Filtered By: Showbiz
Showbiz

BB Gandanghari says family still shocked at him


Hindi pa lubusang tanggap ng pamilya Padilla ang pagbabagong anyo ni Rustom Padilla, na ngayo’y kilala na bilang si BB Gandanghari. Ito ang inamin ni BB sa kanyang pagsalang sa “Don’t Lie To Me" segment ng “Showbiz Central" nitong Linggo. Nang tanungin si BB ng show host na si John Lapuz kung sa tingin niya ay 100 percent siyang tanggap ng kanyang pamilya, sumagot siya ng, “no." “I think kay Robin [Padilla] din naman nanggaling na meron pang shock factor. Hindi naman dahil hindi ako sinusuportahan o hindi nila naiintindihan, kung hindi dahil may shock factor. Nabigla. So that means hindi pa nila matanggap 100 percent. I’m sure they're getting there," paliwanag ni BB. Dagdag pa niya, napaka-supportive at open naman ng pamilya niya lalo na ang kanyang ina na si Mommy Eva. Pagdating naman sa lovelife, inamin ni BB na nakikipagkita siya sa isang Briton bagama’t inamin niya na wala pa ito sa serious level. “Let me say this, hindi pa siya date. I'm going out. I’m meeting people. Pero hindi date. Yes, I’m seeing this British guy pero nothing serious," ani BB. Ibig ba sabihin nito ay hindi interesado si Bb? “Wala akong sinsabing I’m not interested," sabi niya sabay tawa. Hindi rin maikakaila ang looks ni BB ngayon. Marami tuloy haka-haka na nagpa-cosmetic surgery siya. Kuwento ni BB, “enhanced" daw talaga ang buong parte ng katawan niya pero sa pamamagitan ng exercise. “Well, I enhanced everything and I mean natural. I don't go ‘yung sa cosmetic surgery. Like for example dito sa posture ko or everything. So ngayon since nag-aral ako ng pilates, now I’m doing yoga and ballet," ani BB. Lagi din daw niyang mina-massage ang kanyang mukha at “chini-cheer" ang kanyang mga cheeks. Naghahanda rin si BB para sa mga hosting jobs at iba pang trabaho na related sa kanyang pagiging celebrity. “That’s why I’m here and I’m here to stay," aniya. - GMANews.TV