Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dingdong, Marian thank fans for Tag Awards win


Right after tanggapin nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang pinaka-major award sa kauna-unahang Kapuso Tag Awards na ginanap sa SOP noong Linggo, April 5, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang dalawa sa dressing room ng bagong building ng GMA 7. Siyempre, inusisa namin ang kanilang reaction sa pagiging winner nilang dalawa sa halos lahat ng category na nominado sila. Ang sabi ni Dingdong, "Siyempre, gusto kong magpasalamat sa lahat ng...kasi, botohan yun, eh. It means, sa lahat ng mga bumoto, alam kong nag-aksaya sila ng pagod, ng pera...malaking bagay sa akin yun. Dahil bukod sa naniniwala sila, they really went out of their way to really vote. At para sa akin, isang bagay na hindi ko makakalimutan yun. "And nagpapasalamat ako sa kanilang lahat. In fact, alam nila kung sino sila, so, sa lahat ng bumoto, kung may chance ako na gawin ko sa kanila yun, like may chance ako na iboto sila kung saan man, gagawin ko rin yun. Pero maraming salamat talaga." As a pair, both of them won two awards for Kapuso Smooch and Kapuso Blooped. Individually, Dingdong got the Kapuso Fan Fave Male and Marian for Kapuso Fan Fave Female and Most Wanted. Sabi naman ni Marian, "Siyempre, nagpapasalamat kami dahil nakita talaga namin ang pagmamahal nila. Kaya sabi ko nga kanina, naku, inubos n'yo yata ang load n'yo kasi, sa lahat yata ng kategoryang nandoon kami, nanalo yata kaming dalawa. So, thank you sa kanila." E, paano kung may mang-intriga sa kanilang pagkapanalo lalo pa't pareho silang regular na nakikita sa Sunday variety show ng GMA 7? "Ay naku, ako, hindi ko alam...Sa tingin ko, hindi naman dapat lagyan kasi, text votes naman 'yan," pahayag ni Marian. Dugtong naman ni Dingdong, "Alam n'yo, wala kaming control diyan. In fact, kahit kami minsan, bumuboto rin kami para sa amin, pero siyempre, hindi namin control 'yan, N.M.I. 'yan, New Media Incorporated...Sa SOP lang ginawa ang awarding. So, sabihin man natin, pero yung magdidikta niyan, yung mga bumboto talaga, yung mga nagte-text." Kung ang pagbabasehan ay ang resulta, puwede bang sabihin na silang dalawa pa rin ang well-loved at most popular celebrities ng Kapuso station? "Paano ba?" panimula ni Marian. "Siguro ang hirap namang sabihin na, ah, oo, kami yun. Siguro, maganda lang na nakikita namin ang mga ginagawa ng mga fans namin. Kami yung mahal na mahal talaga nila kami at kahit kailan never kaming iniwanan...Ke ako mag-isang solo or si Dingdong mag-isang solo, lahat ng fans club namin sinusuportahan kami, na ikinakataba ng puso namin. At laking pasasalamat namin na nagkaroon kami ng mga fan club na katulad nila." Para kay Dingdong naman, "In fact, matalo man or manalo, ang importante sa amin yung mga bumoto. Gaya ng sabi ko, alam niyo kung sino kayo. Matalo man or manalo, we appreciate the votes and thank you for believing in us." SEPARATION ANXIETY. Given the overwhelming response of their fans at yung mataas na naitatalang rating ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, parang ang hirap for the two of them na bitawan ang love team nila. Marami na nga ang lumalabas at nasusulat na paghihiwalayin na silang talaga on their next project. Ang sagot ni Marian, "Ako kasi, kapag ininterbyu 'ko tungkol diyan. Ayoko munang isipin. To be honest, parang hindi ko alam din kung paano ko magte-taping na hindi siya ang partner ko. Hindi naman sa nasanay, pero kami talaga yung...Alam mo na nagsimula sa Marimar at doon naman talaga nagsimula ang career ko na nandun siya at parte siya. So, ang hirap isipin...Wala pa naman at hangga't wala pa naman, enjoy muna." Sinegundahan naman ni Dingdong ang sagot ni Marian. REST AND REFLECTION. Inusisa din ng PEP sa naging pahayag ni Marian noong tanungin siya tungkol sa Holy Week plans ni Dingdong. Sa Batangas ang aktor, at siya naman ay uuwi sa Cavite. Hindi ba niya pinansin ang pag-imbita sa kanya ni Dingdong? "Wala akong sinasabing ayaw ko," pagtanggi ni Marian. "Ang sabi ko lang, priority ko ang family ko. Kung sakali man na i-invite niya ko at umalis kami, uunahin ko muna ang family ko. Ngayon, kung enough na yung time na binigay ko sa family ko at may bakante pa akong araw na puwede ko siyang pagbigyan, bakit hindi?" Nangungulit ba si Dingdong na sumama siya? "Siya na lang ang tanungin niyo," nakangiting sagot ng Kapuso actress. Ang sabad naman ni Dingdong, "Malapit lang naman ang pupuntahan ko at sa kanyang probinsiya." Dagdag ni Marian, "Mahaba naman kasi, Tuesday pa lang, bakasyon na. So, mahaba naman. So, kung pupuntahan niya ko sa bahay at may chance na makasama sa pupuntahan nila, why not?" Are they looking forward to having their well-deserved break this Holy Week? "Oo naman," mabilis na sagot ni Dingdong. "Para sa akin, bukod sa holy siya, like it's time for reflection and time for everything. Mas maganda yung nakakapahinga and [may] time for family and loved ones." Ayon naman kay Marian, "Wow, pahinga! At saka, 'eto yung time na makakauwi na ko sa Cavite kasi ang tagal ko na rin hindi nakauwi." - Philippine Entertainment Portal