Bong Revilla preparing for new Panday movie
Seryoso ang ginagawang paghahanda ni Sen. Ramon âBong" Revilla Jr. sa gagawin niyang pelikula na remake at magiging prequel ng popular movie na âAng Panday," na ilang ulit pinagbidahan ng namayapang action king na si Fernando Poe Jr. Sa panayam ng GMA entertainment reporter na si Audrey Carampel, sinabi ni Sen. Bong na halos 15-16 pounds na ang nababawas sa kanyang timbang sa ginagawa niyang workout. âI been working out for the past six months, since then pukpok na ang workout ko. I lose siguro mga 15 -16 pounds," pahayag ng aktor sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Martes. Bukod sa work out, todo ensayo rin ang tinaguriang Titanic Action star ng Philippine movies sa pag-eensayo ng martial arts na Wushu. Ito raw kasi ang gagamiting estilo sa mga sword fight sa âPanday" na magkatuwang na gagawin ng GMA Films at Imus Production. âPero siyempre iaano pa rin natin ang cinematic sword fight like FPJ sword fightâ¦kung papaano siya makipaglaban, sa paghawak ng espada, may mga teknik âyan e," paliwanag ng senador. Kahit sa Disyembre pa ang target na palalabas ng movie, noong isang taon pa sinimulan ang paghahanda sa produksiyong ito. Ito ay dahil na rin sa inaasahang magiging bigatin ang produksiyon lalo na sa gagamiting special effects sa pelikula. âIto ay hango sa âPandayâ talaga. Ito yung parang prequel ng âPandayâ ni FPJ, yung umpisa kung papaano lumabas si Lizardo. Talagang pinaganda, malaki, at hindi tayo mapapahiya," ayon pa kay Sen. Bong. - Fidel Jimenez, GMANews.TV