Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez to push through with case vs PEP


MANILA, Philippines – Kahit nagbigay na ng public apology ang editor-in-chief ng Philippine Entertainment Portal (PEP), itutuloy pa rin ni Richard Gutierrez ang planong pagsampa ng kaso laban sa showbiz Web site. “Napag-isipan ng buong pamilya na itutuloy namin ang lawsuit against PEP," sabi ni Richard sa isang panayam nitong Linggo sa "Showbiz Central." Ang kaso ay nag-ugat sa "inadvertent uploading" ng artikulo tungkol sa diumano'y naganap na gulo sa pagitan nina Richard Gutierrrez at Michael Flores sa birthday party ng "Zorro" director na si Mark Reyes. Itinanggi naman ni Richard na nangyari ang nasabing komprontasyon kay Michael Flores. "Unang-una gusto kong sabihin sa mga tao na nalulungkot ako pati na ang pamilya ko, pati lahat ng katrabaho ko, at kailangang mangyari ang ganitong insidente," pahayag ng "Zorro" star. "Wala namang katotohanan yung nangyaring yun. Hindi dapat tino-tolerate yun kasi kawawa naman ang mga artista. Hindi kami magpapatapak nang ganoon-ganoon lang." Sinabi rin ni Richard na nangangamba siyang makakaapekto ang lumabas na artikulo sa kanyang mga proyeketo at kredibilidad. Matapos nito’y humingi naman ng paumanhin ang PEP sa pamamagitan ng editor-in-chief nitong si Jo-ann Maglipon. Subalit nagbanta pa rin si Anabelle Rama, ang ina at talent manager ni Richard, ng pagsampa ng kaso laban sa PEP dahil hindi raw sapat ang ginawang apology ni Maglipon. - Sophia Dedace, GMANews.TV