Filtered By: Showbiz
Showbiz

Patrick Garcia admits interest in Glaiza de Castro, but...


MANILA, Philippines – Inamin ni Patrick Garcia na marami pa siyang aayusin sa buhay niya bago siya maging romantically-involved sa isang babae. Sa "Don’t Lie to Me Portion" sa "Showbiz Central" nitong Linggo, itinanggi ni Garcia na naging sila ni Glaiza de Castro pero inamin naman niyang naging interesado siya at binigyan nga niya ng isang white rose ang aktres noong nakaraang Valentine’s Day. Kaya nga lang, aayusin raw muna ni Garcia ang kaniyang nakaraan bago siya makikipag-relasyon kay De Castro. "Binigyan ko siya ng white rose. Seryoso naman yung intention ko, napakalinis. Napag-isip-isip ko na may mga parts ng buhay ko na kailangan ko ayusin bago ako ma-in-love sa ibang tao," ani Garcia. Sinabi rin ni Garcia na hindi pa niya nakikita si Alex Jazz, ang kaniyang anak sa actress na si Jennylyn Mercado. Naghiwalay ang dalawa bago pa man ipanganak si Alex Jazz. Nauna nang sinabi ni Garcia na hindi siya babalik sa showbiz hangga’t di nakikita ang anak. Pero nang tanungin ng "Showbiz Central" host na si John Lapus kung bakit may sumabak muli ang actor sa showbiz, sinabi ni Garcia na kailangan niyang mag-trabaho para kay Alex Jazz. Katambal ni Garcia si De Castro ngayon sa "Dear Friend," na naghuhudyat ng kaniyang pagbalik sa showbiz. - Sophia Dedace, GMANews.TV