Annabelle Rama files slander case vs TV executive
04/15/2009 | 10:06 PM
Kinasuhan ni Annabelle Rama ng slander sa Quezon City Regional Trial Court si GMA Network Vice President for Entertainment TV Wilma Galvante dahil siniraan umano siya nito sa kanyang talent.
Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, dumating si Rama sa QCRTC dakong 3 p.m. nitong Miyerkules kasama ang kanyang mga abogado.
Ang kasong slander ay dahil umano sa ginawang pagkulong ni Galvante sa kanyang talent na si JC de Vera kung saan sinasabing naganap ang paninira kay Rama.
“Ang ginawa ni Wilma Galvante kinulong niya ang alaga ko sa kuwarto niya at sinisiraan niya ako as manager. Hindi ako papayag sa gan'un kaya ang feeling ko sinusulot niya sa akin si JC," pahayag ni Rama sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Miyerkules.
Upang ipakita ang suporta sa manager, dumating sa QCRTC si JC para pirmahan at sumpaan ang affidavit na isinumite ni Rama kay Assistant Prosecutor Baltazar Morales.
Suportado umano ng aktor ang talent manager dahil naniniwala umano ito na dalawa silang naagrabyado.
“Tingin ko OK na rin na lumabas 'yung totoo, and willing akong tulungan si Tita (Annabelle) dahil hindi lang naman siya ang naagrabyado pati rin naman ako," ayon kay JC.
Walang hininging halaga si Rama sa kanyang inihaing slander case dahil karangalan umano ang ipinaglalaban niya sa naturang kaso. Gayunman, may hiwalay na civil case na inihain ang talent manager laban kay Galvante kung saan humihingi siya ng P25 milyon damages kaugnay sa “interference of contract" na ginawa umano ni Galvante kay JC.
Ang naturang civil case ay pantapat umano ni Rama sa naunang civil case na inihain laban sa kanya ni Galvante.
Tumanggi muna ang abogado ni Galvante na magbigay ng reaksyon sa kasong slander na isinampa ni Rama hangga't hindi pa nila nababasa ang reklamo nito. - Fidel Jimenez, GMANews.TV