Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe seen with Jolo Revilla in Bora


Matapos mapabalitang nag-break na sila, nakitang magkasama sina Lovi Poe at Jolo Revilla sa Boracay nitong Holy Week. Pero tiniyak ng dalaga ng pumanaw na action king na si Fernando Poe Jr. na hindi niya dudungisan ang malinis na pangalan ng ama. Ngunit nilinaw ng dalawa na hindi nila pinlano ang pagpunta sa Boracay at mayroon din naman silang kasama. Napag-alaman na nandoon din ang mga magulang ni Jolo na sina Sen. Bong Revilla at Lani Mercado, gayundin ang ilang pinsan ni Lovi. Pero alam ba naman ng ina ni Lovi ang pagbiyahe nila sa Bora? “Siguro mas mabuti kung sa amin na lang kasi pribadong tao si Tita. Malaki ang respeto ko sa kanya ayokong masira," paliwanag ni Jolo na napapanood sa top rated action series sa Kapuso Network na “Totoy Bato." Nakangiting sagot naman ni Lovi sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules: “Well keep it to ourselves. All I can say is everyone saw me here already, that I’m here and I’m been a good girl." Habang nasa Bora, nakitang sabay na nagsimba ang dalawa noong Biyernes Santo na kasama umano sa ikukuwento nila sa ina ni Lovi. Behave naman kaya ang dalaga habang nasa Boracay? “Behave naman ako ever since…alam nyo magbi-behave ako,’ natatawang sagot ni Lovi. “Of course my mom trust me and I also trust my self because I wouldn’t do anything that will hurt her (mom) or ruin my dad’s name." - Fidel Jimenez, GMANews.TV