Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Nagpahintulot sa bumagsak na Bell-412 na lumipad dapat imbestigahan - Biazon

MANILA – Nais ng isang kongresista na alamin ng mga imbestigador kung may pananagutan ang nagbigay ng pahintulot na lumipad ang bumagsak na presidential chopper sa kabundukan ng Ifugao na ikinasawi ng pitong tao noong nakaraang linggo.

Inihayag ito ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon nitong Biyernes matapos ideklara ng mga imbestigador na masamang lagay ng panahon ang pinapaniwalaang dahilan ng malagim na aksidente.

Ayon sa mambabatas, dapat ipagpatuloy ang imbestigasyon para malaman kung mayroon dapat managot kung bakit pinayagang lumipad ang Bell 412 kahit alanganin ang lagay ng panahon at papalubog na ang araw.

“The report of the PAF Aircraft Accident Investigation Board saying that bad weather was the cause of a Presidential chopper's crash may not be the only angle that should be looked into. Investigators may also have to look into whose responsible in allowing or ordering the chopper to fly at that time," ayon kay Biazon, vice chairman ng House committee on national defense.

Nasawi sa naturang trahedya sina Press Undersecretary Jose Capadocia, Presidential Management Staff (PMS) Undersecretary Marilou Frostrom, Brig. Gen. Carlos Clet, PMS assistant director Perlita Bandayanon, pilot Maj. Rolando Sacatani, co-pilot Capt. Alvin Alegata, tauhan ni Clet na si Quarter Master 3rd Class Demy Reyno, at Sgt. Roe Gem Perez.

Sinabi ni Biazon na mahigpit na ipinagbabawal sa Loakan airport ang lumipad kapag hapon dahil sa pabago-bago ang panahon sa lugar.

“It is common knowledge that is a practice not to allow flights to take off from Loakan airport in the late afternoon precisely because weather turns bad at that time of the day," aniya.

“It must be determined if policies and procedures were violated by that flight and who is responsible for any violation. Further, policies and procedures should be put into place if there are none," idinagdag ng kongresista. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT
NTC warns of inability to monitor telco service
2010-02-09 16:10:24
The National Telecommunications Commission (NTC) on Tuesday warned of deteriorating...
South Korea to send 240 troops to Haiti to rebuild
2010-02-09 15:41:57
SEOUL, South Korea - South Korea's parliament has approved a plan to send 240 troops to Haiti...
Troubled NSAs urged: Set aside differences, send best bets to Asiad
2010-02-09 10:57:48
PSC Chairman Harry Angping batted for National Sports Associations (NSAs) embroiled in squabble...
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...