Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Rufa Mae doesn't need a man to build her a house


MANILA, Philippines – Nilinaw ni Rufa Mae Quinto sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang balitang tagusan ang kanyang ipinapagawang bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Dahil daw kasi sa laki ng bahay ay lagusan daw ito, as in pagpasok daw mula sa main main door, ang labas mo ay sa kabilang pinto na sa kabilang kalye. Paliwanag ni Rufa Mae, nataon lang na bakante yung nasa kabila ng kanyang bahay. Kaya pwedeng sa isang kalye ka papasok at pwede rin sa kabilang kalye ang labas mo. Natanong ng PEP sa sexy comedienne kung bakit siya ang nagpapagawa ng kanyang sariling bahay, at hindi ang kanyang magiging asawa. May pinahahandaan ba siya? "Medyo lang, medyo din kaya hindi minamadali itong matapos! Joke!" tawa niya. "Hindi naman masama, di ba? Kung biglang dumating, at least tutulong siya. Pero ewan ko, masaya naman ako sa buhay ko. Steady lang ako." Ano ang reaksiyon niya sa sinasabi na mahihirapan siyang makakita ng lalaking magpapagawa sa kanya ng bahay dahil wala naman daw sumeseryoso sa kanyang lalaki? "Akaka lang nila 'yon, di ba? Okey lang. Yung iba, sinasabi ako daw ang hindi sumeseryoso. Yung iba, ganun. So, okey lang, bahala na. Basta ang importante, I'm still waiting for someone to come my way," saad ni Rufa Mae. Pagdating daw sa pag-ibig ay lagi naman siyang serious kapag may nagseseryoso sa kanya. May lalaki na bang sumeryoso sa kanya? "Hindi ko na masaagot 'yan, e," sabi ni Rufa Mae. "Sila na ang pwedeng sumagot niyan, di ba? That's life. Basta nandiyan lang naman ako. Kung sino man ang makakatuluyan ko sa bandang huli, at least, nandidyan lang siya, malalapit lang sa buhay ko, nandidyan lang sa Pinas." DJ Mo Mainit pa rin ang balita sa kanila ng co-host niya sa "Showbiz Central" na si Mo Twister dahil hanggang ngayon ay wala pang balitang nagkaayos na sila. Dahil loveless ngayon si Rufa Mae at single pa rin hanggang ngayon si Mo Twister, biro namin, baka paglaruan sila ng kapalaran at sila ang magkatuluyan sa bandang huli? "Naku naman, sana naman huwag!" tawa ni Rufa Mae. "Ewan ko, pero sana wala namang away o gulo. Kung magiging kami? A, wala akong maisasagot diyan, kasi ayaw ko siyang isipin. Wala naman kaming dapat ayusin ni Mo, e. Basta I'm back and excited. Yung masaya lang ako to be back." Nilinaw rin ni Rufa Mae sa PEP ang balitang magre-resign daw si Mo kung hindi sila magkakabati. Pero ayon sa kanya, wala siyang kaalam-alam sa mga pangyayari ngayon dahil kararating lang niya galing New York. Nilinaw rin n ni Rufa Mae na bumabalik siyang masaya mula sa kanyang pagbabakasyon. So, ayaw niya ng gulo, ayaw rin nito ng away para maiba naman, lalo na't katatapos lamang ng Holy Week. Jon Avila May balita namang masama diumano ang loob ni Rufa Mae kay Jon. Ayon sa balita, gusto raw ni Rufa Mae si Jon pero parang dinededma siya nito. "Hindi naman," tanggi niya. "Kasi nag-text kami noong pagbalik ko galing Amerika. Halos dalawang buwan kasi akong paalis-alis at pabalik-balik, di ba? Nag-Dubai din ako, tapos kung saan, saan. "He [Jon] is happy naman at natutupad ang mga pangarap ko. Hindi lang kami nagtatawagan dahil mahal ang long-distance call, saka busy din. Saka, magkaibigan lang naman kami at ang pagkakaibigan ay walang hangganan, di ba? - Alex Datu, PEP.ph