Filtered By: Showbiz
Showbiz

Glaiza de Castro gets daring in indie film with Dennis Trillo


MANILA, Philippines – Nagkatrabaho na before sina Glaiza de Castro at Dennis Trillo sa prime time action-fantasy series "Gagambino," but when the Cinemalaya season comes around, expect to see sa different connection between them in their independent film offering "Astig." Excited si Glaiza na makatrabaho si Dennis noon sa "Gagambino" dahil sa first time nilang magkasama sa isang TV show. Ngayon, there’s another reason for her to be excited in their second project together. For "Astig" kasi, Glaiza would have to show a more daring side of her with Dennis as her lover. "It's a story about random people living in Manila," Glaiza says. "Sa akin, nag-focus siya sa isang teenager [na] nagkaroon ng STD (sexually transmitted disease)." Ang character kaya ni Dennis ang reason ng kanyang pagkakaroon ng STD? We'll have to wait for the film to find out pero we don't have to wait for Glaiza's reaction upon finding out na si Dennis ang magiging kapareha niya sa film. "Ninerbyos ako," inamin ni Glaiza. "Although nagkikita kami, nagkaka-eksena kami [sa Gagambino] pero hindi kami nagka-eksena na kaming dalawa lang. Hindi ko ma-explain 'yung feeling kung paano ako aarte kasama ng magaling na artista." Glaiza says Dennis is one of the actors she looks up to sa mundo ng showbiz. "Parang ang tagal ko winish na sana magkatrabaho nga kami, tapos, heto pa 'yung binigay sa akin. Sobrang wow talaga. As in!" she says. Bakit napapa-wow si Glaiza? "Before kami nag-agree sa film na 'to, naging hesitant kami kasi merong love scene," she says. She shares na nung nag-audition daw siya, nagulat 'yung producers nung film at may nagtanong agad sa kanya kung ready ba siya sa mga love scenes. "Sabi ko: 'Depende po sa execution, kasi mayroon na naman akong mga nagawa na pelikula na mayroon ding mga ganyan, pero hindi masagwa kasi it was artfully made'," Glaiza says. "Sa akin naman, wala naman akong problema." Muntikan nga lang daw na hindi niya makuha ang role, especially after lumabas ang balita na tinanggihan raw niya ang part. "Wala [naman] akong tinatanggihan kasi wala namang ino-offer sa akin, nagtanong lang," she says. Dagdag ni Glaiza, napunta pa raw kung kani-kanino 'yung role until one time tinawagan siya ng manager niya to ask if she was ready for the film. Her reply was: "Bakit hindi ko tatanggapin?" She notes that another actress who was then considered for the whole had a todo wholesome na image. "Kung siya nga tinanggap niya, 'di ba? Hindi naman siguro magiging hadlang 'yung isang eksena na iyon para tanggahin ko 'yung buong film na maganda talaga," she says. Another plus of course if the fact na ito ang first independent movie na ginawa ni Dennis Trillo. "Alam ko, may passion din siya for magagandang films e," she says. "'yung repertoire niya, astig din e," says Glaiza. At nagawan rin naman daw nila ng paraan 'yung love scene. Something na we'll just have to see for ourselves once mag-open na ang Cinemalaya this coming July. - John S. Lim, iGMA.TV