Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera flies high as GMA's latest Darna


MANILA, Philippines – Nitong Huwebes, April 23, after mag-guest ni Marian Rivera sa isang taping ng "SiS" para i-promote ang nalalapit na ending nang "Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang," binigyan siya ng napakalaking sorpresa! Hindi alam ni Marian Rivera kung bakit siya pinatawag ni Ms. Wilma Galvante, ang GMA senior vice president for entertaiment, sa office nito pagkatapos niyang mag-promote sa "SiS." After a brief closed-door meeting, dinala siya ni Ms. Wilma sa kabilang kwarto at doon sumalubong kay Marian ang isang surprise party. Sa harap ng press at ilang GMA executives, it was officially announced that Marian will be the next Darna. "Hindi ko alam na ganito, ang sabi lang sa 'kin na kakausapin ako para sa next project ko, so… excited ako. Sabi ko 'Momsie [her term of endearment for her manager Popoy], halika na! Bakit hindi pa tayo papanhik? Kakausapin na tayo!' "Sabi niya 'Mamaya na, mamaya na.' Parang nakakutob na ako kay Popoy..Ganyan 'yan palagi ‘pag may surprise. Nagulat ako at thank you at nag-effort talaga sila ng ganito. So ano pa bang mahihiling ko? Binigay na sa ‘kin ang 'Marimar,' ang 'Dyesebel,' ngayon naman 'Darna'," ang masayang pahayag ng magandang aktres. Idinagdag pa niya na this is a dream come true for her at masaya siya na sa kanya ipinagkatiwala ang role na pinagbidahan na rin ng mga malalaking pangalan sa showbiz, sa pangunguna ni Ms. Vilma Santos, who incidentally also portrayed Dyesebel. "Siguro kahit sinong babae papangaraping maging si Darna," sabi ni Marian who was obviously overwhelmed sa napaka-pleasant na surprise. Going sexy With this good news, ang ibig sabihin ba ay magbabago na ng image si Marian dahil siguradong sexy ang kanyang Darna costume? "Actually…sabi ko noon sa sarili ko na 'Ay, mahihirapan ako' pero kung makikita ninyo 'yung [fitness drink commercial] ko at 'yung Cosmo [cover] ko, [inihanda ko] 'yung sarili ko na hindi lang ako stuck dito. Siguro kailangan ko rin i-explore 'yung…iba namang [roles]." Ano nga ba ang pagkakaiba nitong latest version ng Pinay superhero sa previous movie and TV adaptations? “Siguro ano may pagka-light lang at comedy at the same time, na may pagka-sexy [dahil sa] suot niya…Parang ganon siguro," ang sagot ng pretty actress. “Sinasabi nila sa ‘kin na kailangang ihanda ko 'yung sarili ko dito, 'yung pag-iisip ko, 'yung emosyon ko -- lahat-lahat. Pati pisikal, siguro kailangang lahat ‘yon handa ako." A Captain Barbell sequel? At sa pagpili kay Marian bilang Darna, does this mean matutuloy na din ang "Captain Barbell Meets Darna" na kasama sa teaser ng GMA shows for 2009? “Because of the scheduling na rin and nagbabago kasi 'yung takbo sa demands din ng programming, we came to the conclusion na it is best for now to separate the two. Gawin mo 'yung 'Darna,' tapos later on gawin mo 'yung 'Captain Barbell,' but that doesn’t erase the possibility that later on magkikita pa rin si Darna at Captain Barbell," ang paliwanang ni Ms. Wilma. For now gusto muna niyang i-highlight na si Marian na ang bagong Darna at batiin ito sa kanyang panibagong challenge. "I congratulate Marian. She is now officially our new Darna. From here on she will begin training for Darna. Base sa story na binubuo, nakita na namin medyo mahirap pero knowing Marian na nagawa niya 'yung Dyesebel, wala kaming doubt na Marian will be a very good and successful Darna." - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV