Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ogie Alcasid's latest album turns platinum


Sa SOP noong April 26 ay ginawaran ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid ng platinum award — with more than 20,000 copies sold — para sa kanyang album na The Great Filipino Song Book under Universal Records. Pagkatapos ng kanyang awarding, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa dressing room. Tinanong namin siya kung may napaglalagyan pa ba siya ng kanyang awards sa bahay niya, especially sa sales ng albums na marami-rami na rin. "Well, meron pa naman," nakangiti niyang sagot. "Actually, yung iba, sa dami dahil hindi na rin magkasya kung lahat iha-hang ko, naka-store sa bahay. Yung iba, yung medyo bago-bago, yun yung mga naka-display." All in all, tantiya ni Ogie ay nasa 70 na raw ang awards at trophies niya from the sales of his album and from different award-giving bodies. Pero sa kabila nito, Ogie is still excited every time na tumatanggap siya ng award. "Of course, I do. Especially sa hirap ng buhay ngayon, with all the piracy. So when you do an album and it becomes gold, para sa akin, bonus na yun. Napakahirap ngayon na makakuha ng gold record. And then, maging platinum pa, parang wow, parang naabot mo na yung ceiling nun," sabi ni Ogie. Ano nga ba ang sikreto niya na sa dami ng singers at recording artists na kaliwa't kanan ang paggawa ng album, mabibilang na lang yata sa daliri ngayon ang nakakakuha kahit gold record man lang? Unlike Ogie na tila lahat ng albums na ginagawa niya ay nakaabot ng gold o platinum? "Well, secret? I don't know... I think, it's just on the effort that you put to it. The hard work, yung love mo for the craft, for the thing that you do... I think that's the secret to it." At siyempre, ang hindi niya matatawarang talents? "Well, talent naman, I believe, lahat naman, meron niyan," sambit niya. OGIE AT THE MOVIES. Bago nagtapos ang 2008, tinanong namin si Ogie kung ano ang mga gusto niyang gawin sa taong 2009. Isa sa binigyang-diin nito ay ang makabalik sa pag-arte, especially sa pelikula, dahil na rin sa Desperadas 2. Mukhang natupad naman ang wish na yun ni Ogie dahil sa pelikulang OMG (Oh, My Girl!), silang dalawa ni Judy Ann Santos ang mga bida. "I'm very happy with the movie. Ilang shooting days na rin kami, although hindi pa tapos. But I'm very happy with it. Masaya yung shooting, kami nila Juday, Direk Ga [Dante Garcia], masaya!" Natupad yung wish niyang umarte muli sa pelikula? "Yes, and aside sa OMG, sigurado na rin daw na gagawin namin ni Michael V yung Angelina and Yaya naman. So, nakakatuwa dahil yung acting, isa rin ito sa gusto kong gawin dahil na-miss ko, e. Na-miss ko rin yung umaarte especially sa movie." A HAPPY AND FULFILLED MAN. Habang ini-interview namin si Ogie ay pumasok si Regine Velasquez sa dressing room ng SOP para personal na i-congratulate ang boyfriend. Obviously, sa career at lovelife, Ogie is a picture of a happy and fulfilled man. Ano ang masasabi niya rito? "I am, I am," pagsang-ayon niya. "Professional, personal, my family life, it's all doing good. I feel so blessed na both aspects are okay. I am blessed in both aspects. I am very happy." Natawa lang si Ogie nang sabihin namin na kasal na lang ang kulang para kumpletong-kumpleto na talaga ang happiness niya. So, kumusta na ba ang tungkol sa annulment ng kasal nila nila ni Michelle Van Eimeren? "Ano, e, it's something I cannot talk about dahil nasa korte na. So, we're just waiting," sagot niya. - Philippine Entertainment Portal

Tags: ogiealcasid