Alfie Lorenzo hopes Juday, Ryan will be ideal showbiz couple
Kahit tutol noong una sa kasalang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, dumalo ang talent manager na si Alfie Lorenzo sa âsorpresang" pag-iisang dibdib ng dalawa sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas nitong Martes ng umaga. Inabutan ng GMA News sa simbahan si Tito Alfie at inamin niyang maging siya ay walang alam sa itinakdang araw ng kasal ng kanyang talent na si Juday. Nasabihan lang umano siya tungkol sa kasal noong Biyernes. Ano naman kaya ang wish ni Tito Alfie sa kanyang âalaga" ng mahigit 20-taon na si Juday at sa mister nitong si Ryan? âSana sila ang maging ideal example from now on âpag (may) ikinasal wala nang hiwalayan," pahayag ng talent manager sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Martes. Importante raw sa showbiz couple ang simbahan na pinagdausan ng kasal dahil dito rin ikinasal noon ang mga magulang ni Ryan. Ayon kay entertainment reporter na si Nelson Canlas, naging mahigpit ang seguridad sa labas ng simbahan. Katunayan, maging ang mga residente at lokal na opisyal sa San Juan ay walang kamalay-malay na may dalawang sikat na artista ang ikinakasal sa kanilang simbahan. âAlam namin na may ikakasal, isang sikat na personality pero hindi namin alam na siya (Juday) kasi may ibang nagpa-process ng paper," ayon kay Nelson de Chaves, parish secretary. Ikinuwento naman ng Kapuso host na si Suzi Entrata-Abrera, isa sa mga ninang sa kasal, na walang pormal na imbitasyon na ibinigay sa naturang kasal. Pawang mga malalapit na kamag-anak at kaibigan lang umano ang dumating. Maigsi rin lang ang wedding entourage nina Juday at Ryan. Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang nagsilbing Matron of Honor, ang kapatid ni Ryan na si Dondie ang Bestman, habang Flower Girl naman ang anak ni Juday na si Yohan. âNagpunta kami sa isang resort, doon kami matutulog. The next day, umaga ang kasal, tapos lilipat kami ng resort. Yun lang ang sinabi niya," ayon kay Suzi. âVery vague so maraming tanong-tanong throughout the whole month kasi nga parang âdi ako masyadong sigurado kung may nagbago pa ba o hindi. Pero yung details na âyan wala talaga kaming formal invitation dun sa actual wedding," idinagdag ni Suzi. Pinadalhan naman ng isang kahon na may tsinelas ang ibang inimbitahan sa kasal na may nakasulat umanong, âHeto na, inuman na. Punta ka ng nakaputi." Ayon pa kay Suzi, nais nina Juday at Ryan na maging pribado ang kanilang kasal at ipinagbawal din ang pagkuha ng litrato sa loob ng simbahan. âVery nice yung set up nya. Bawal kasi kaming magdala ng cameras tsaka cell phone sa loob ng church. So pinapaiwan yun sa labas. Si Robert Blancaflor (ng) 1826 flowers ang nag-decorate nun. Para siyang cherry blossoms sa Japan, âpag namumukadkad yung cherry blossoms," pahayag ng host. âYun ang ginawa nila pagbaba ng aisle, and of course white flowers because the theme was all white." Ang puting gown na ginamit ni Juday ay gawa umano ng tanyag na si Paul Cabral. Matapos ang kasal, nagtungo ang wedding entourage sa isang beach resort na isang oras ang biyahe mula sa San Juan, at mayroon pang evening reception sa isa pang sekretong lugar sa Batangas. - Fidel Jimenez, GMANews.TV