Filtered By: Showbiz
Showbiz

Veteran actress Paraluman dies at 85


Nagluluksa ang industriya ng showbiz sa pagpanaw nitong Lunes ng beteranang aktres na si Paraluman o Sigrid Sophia Agatha Von Giese sa tunay na buhay. Sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Martes, sinabing atake sa puso ang ikinamatay ng 85-anyos na aktres. Unang lumabas si Paraluman sa pelikulang Flores de Mayo noong 1940. Isa sa mga nakatambal niya sa mga pelikula ay si Fernando Poe Sr., ama ng kinikalalang hari ng aksyon na si Fernando Poe Jr. Taong 1957 nang mapanalunan ni Paraluman ang Best Actress award sa Famas sa pelikulang "Sino Ang May Sala" na mula sa Sampaguita Pictures. Si Paraluman ay ina ng dating aktres at ngayon ay Press Undersecretary na si Baby O’Brien at lola ng dating aktres na si Rina Reyes. Nakalagak ang mga labi ni Paraluman sa Manila Memorial Park sa Parañaque City. - Fidel Jimenez, GMANews.TV