Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Alkalde sa Quezon itinangging may kinalaman sa pagpatay sa sariling tauhan

HENERAL NAKAR, Quezon – Mariing pinabulaanan ng alkalde sa bayang ito ang pagdawit sa kanya sa pagpatay sa isang empleyado ng munisipyo.

Sa isang media forum sa Quezon City nitong Sabado, sinabi General Nakar Mayor Leo Leovegildo Ritual Ruzol na wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Arlysel Avellaneda, 33-anyos.

Si Avellaneda, assistant head ng General Services Office ng munisipyo, ay binaril at mapatay ng isang ‘di pa kilalang lalaki sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan noong Enero 14, 2009.

“Parang anak ko na ‘yan (Avellaneda)," ayon kay Ruzol. “Siya ang campaign manager ko at tatlong beses ko siyang ini-appoint sa munisipyo kapag ako ay nananalo."

Bagong naging alkalde, anim na taong nagsilbi bilang bise alkalde si Ruzol sa Heneral Nakar. Tumakbo siyang alkalde at nanalo noong 2001 at kung saan nakalaban niya ang ama ni Arlysel.

Noong 2004, natalo si Ruzol sa pagka-alkalde nang makatapat nito ang tiyuhin ni Arlysel na si dating mayor Hernando Avellaneda. Nabawi ni Ruzol ang puwesto niya nang manalo muli noong 2007 elections.

Ayon kay Ruzol, “inampon" na niya si Arlysel dahil matagal nang may alitan ang biktima sa kampo ng kanyang ama, kabilang na si Hernando.

Inireklamo rin ng alkalde na hindi naging patas ang ginawang ulat sa isang TV network kaugnay sa kaso ni Arlysel kung saan itinuring siyang suspek sa pagpaslang sa biktima.

“Hindi ko magagawang patayin si Arlyse. Ang lahat ng ito ay paninira lamang ng isang kalaban sa pulitika," pahayag ni Ruzol. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
Meralco eyes comeback on cage scene via PBA
2010-03-21 17:14:33
Manila Electric Company (Meralco), a company with rich basketball tradition, particularly during...
‘Alice’ still reigns at box office with $34.5M
2010-03-22 00:17:37
LOS ANGELES – Alice remains the queen of the box office. Johnny Depp and Tim Burton's "Alice...
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
2010-03-20 22:06:15
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga...
Lawmaker wants cockfighting part of RP heritage
2010-03-21 16:17:55
Cockfighting may soon be officially part of the country’s national cultural heritage, if a...