Babae binaril sa loob ng kotse, patay
05/12/2009 | 06:46 PM
MANILA – Patay ang isang babae matapos siyang pagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek habang minamaneho ang kanyang kotse sa Pasig City nitong Martes.
Ayon kay Senior Police Officer 1 Rogelio Baltazar, minamaneho ng biktima ang kanyang puting RAV-4 sa Julia Vargas Avenue nang barilin ito ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo.
Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima at naiwang nakasubsob sa loob ng sasakyan. Nakakuha ang mga rumesponding pulis ng tatlong basyo ng bala mula sa cal.45 baril.
Isang Liberty de Vera, na residente ng Millenium Gardens sa Pasig City ang nakapangalan sa mga dokumento at identification cards na nakuha sa sasakyan. Ngunit hindi pa matiyak kung ito ang biktima dahil walang litrato sa nakuhang ID.
Sa ulat ng GMA News’ Flash Report, sinabing ang biktima na idineklarang dead on arrival sa pagamutan.
Sa paunang imbestigasyon, lumilitaw na hindi pagnanakaw ang motibo ng mga suspek dahil walang kinuha sa gamit ng mga biktima tulad ng laptop at pera nito.
Ang mga opisyal ng barangay ang una umanong rumesponde nang makarinig ng putok at nakita ang biktima sa loob ng kotse. Hindi na umano ginalaw ng mga ito ang biktima nang wala silang nakuhang pulso mula sa babae.
Nang dumating ang mga pulis, muling pinulsuhan ang biktima at nang may maramdamang pintig ay mabilis itong dinala sa malapit na Medical City Hospital kung saan ito binawian ng buhay. – GMANews.TV