Filtered By: Showbiz
Showbiz

David Archuleta wants to meet Regine Velasquez


Isang Kapuso star pala ang hinahangaan ng American Idol Season 7 runner-up na si David Archuleta, at nais daw niya itong makilala habang nandito siya sa Pilipinas. Dumating sa Pilipinas si Archuleta nitong Martes ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. Mahigit isang oras lang ang pagitan nila ni AI Season 7 grand winner David Cook na unang dumating sa airport. Ayon kay entertainment report Nelson Canlas, inamin ni Archuleta na tagahanga siya ni Asia’s Songbird Regine Velasquez at nais niya itong personal na makilala. "I'm excited to be here in Manila. I'm looking forward to the show too on Saturday. I'm sure it gonna be a lot of fun," ayon kay Archuleta. Si Jomari Yllana, producer ng one-night concert ng dalawang David sa SM Mall Asia sa Sabado, ang sumundo sa airport sa dalawang international stars. Ayon kay Jomari, magbibigay sana si Cook ng maigsing mensahe ngunit dahil sa usapin ng seguridad ay kaagad siyang pinasakay sa kotse. Sa Huwebes ay abala ang dalawang David sa TV guesting. Makikita sila sa programang “SIS" at “Eat Bulaga" sa Kapuso Network. Sa Biyernes ay live silang makakapanayam sa primetime newscast ng GMA na "24 Oras." - Fidel Jimenez, GMANews.TV