Bomba sumabog sa harap ng kapitolyo ng Sulu, 5 sugatan
05/13/2009 | 04:09 PM
MANILA – Matapos mapatay ng mga hinihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang hepe ng Philippine National Police sa Sulu noong nakaraang linggo, isang bomba naman ang sumabog sa harap ng kapitolyo nitong Miyerkules ilang minuto matapos umalis ang convoy ni Gov. Abdusakur Tan sa bayan ng Patikul.
Sinabi ni Fadzlur Raman Abdullah, tagapagsalita ng gobernador, tinatayang 100 metro ang layo ng convoy ni Tan nang maganap ang pagsabog dakong 12:40 p.m. sa harap mismo ng Provincial Hall.
Idinagdag ni Abdullah na hindi pa nila batid kung sino ang nasa likod ng pagpapasabog na ikinasugat ng limang security personnel sa kapitolyo.
Isinailalim ni Tan sa state of emergency ang buong lalawigan ng Sulu noong Marso dahil sa nagaganap na hostage crisis na kinasasangkutan ng tatlong tauhan ng International Committee of the Red Cross na bihag ng ASG.
Sa tatlong bihag, tanging ang Italian na si Eugenio Vagni ang nanatiling hawak ng ASG, habang magkasunod naman na pinalaya sina Mary Jean Lacaba (Filipino) at Andreas Notter (Swiss).
Noong Huwebes, napatay sa ambush si Sulu provincial police commander Senior Superintendent Julasirim Kasim at tatlo pa niyang kasamahan sa Barangay Bulabog sa bayan ng Maimbung. - GMANews.TV