Filtered By: Showbiz
Showbiz

New Kapuso star Baron Geisler hoping to get positive publicity


Kapuso star na rin ang kontrobersiyal na aktor na si Baron Geisler. Pero totoo nga ba ang lumabas na mga balita na nabugbog siya sa isang bar sa Makati? Makakasama ni Baron sa bagong drama series ng GMA Network na “Suspetsa" ng “SRO Cinemaserye" sina Paolo Contis, Jennylyn Mercado at Nadine Samonte. Sa ulat ng Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Biyernes, inihayag ni Baron na nasanay na siya sa negatibong mga balita tungkol sa kanya tulad ng umano’y pagkakabugbog niya sa isang bar sa Makati. Kaagad itong pinabulaanan ng aktor at sinabing hindi niya alam puntahan ang bar kung saan naganap umano ang bugbugan. Sa tagal daw niya sa showbiz, nasanay na raw at tanggap na niya na bahagi ng pagiging artista ang mga intriga. “It makes me understand kung ano ang industriyang ito. Sometimes kailangan yung mga ganyan, nakakatulong din pero sana naman this time yung mga kontrobersya magaganda naman,‘wag naman puro negatibo," pahayag ni Baron. Ilang ulit napaulat na nasangkot sa gulo si Baron at isa na rito ang kinakaharap na demandahan nila ng showbiz couple na sina Yayo Aguila at William Martinez. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: barongeisler
LOADING CONTENT