Filtered By: Showbiz
Showbiz

Doctor says Hayden given psychiatric counseling


Bunga ng paglabas ng mga sex video na kinasasangkutan umano ni Dr. Hayden Kho kasama ang iba-ibang babae, kabilang ang aktres na si Katrina Halili, may mga katanungan ngayon tungkol sa kondisyon ng pag-iisip ng kontrobersiyal na duktor. Sa Chika Minute portion ng “24 Oras" nitong Huwebes, ibinulgar ni Dra. Minguita Padilla na mismong si Dra. Vicki Belo pa ang kumuha ng serbisyo ng isang psychologist para kay Hayden, na napabalitang kasintahan umano ng celebrity surgeon. Ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas, 22 taon nang magkaibigan sina Padilla at Belo. Katunayan, naging saksi umano si Padilla sa pag-usbong ng pagmamahalan ng nina Vicki at Hayden. Sa kabila nito, sinabi ni Padilla na noon pa man ay hindi na siya pabor sa pakikipagrelasyon ng kaibigan sa batang duktor na si Hayden. “I never felt comfortable about their relationship. Not because it is a May-December relationship," ayon kay Dra Padilla. “There is something very wrong about it from the very start. I don’t to go on to details. As a friend I warned Vicki about the relationship." Inihayag ni Canlas sa kanyang ulat na may posibilidad na hindi stable ang pag-iisip ni Hayden kaya ikinuha siya ng isang psychologist. “She got him psychiatric, psychological therapy kasi I believe ‘di ba nung December ba yun (nang) nag-attempt ng suicide si Hayden nang mag-break-up sila for the first time because of Katrina Halili issue came up then," kuwento ni Padilla. “Sinabi naman ni Doktora Belo in public na kumuha na siya ng psychologist para kay Hayden, I think admittedly kasi marami siyang problema, psychological problem na inamin na rin niya kay Vicki," idinagdag pa ni Padilla, na chairperson ng Opinion Bureau ng Philippine Medical Association. Sa kabila ng kontrobersiya, sinabi ni Padilla na bibigyan pa rin ng pagkakataon ng PMA si Hayden na ipagtanggol ang sarili dahil sa petisyon na alisan siya bilang miyembro ng asosasyon. “The official stand of the PMA it that we have to give Hayden Kho due process. We just cant relay just on our reactions, kasi siyempre as a human being, as woman, talaga ang reaksyon mo nakakasuklam ang nangyari. But we have to give the man due process," aniya. Nilinaw din ni Padilla na mula noong Disyembre ay hindi na konektado si Hayden sa klinika ni Vicki. - GMANews.TV

LOADING CONTENT