Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lolit Solis 'not shocked' by Kho-Belo video


MANILA, Philippines – Hindi na umano nagulat ang host at talent manager na si Lolit Solis nang sabihin ng kanyang kaibigan na si Dr. Vicki Belo na mayroon din siyang sex video kasama ang nobyo na si Dr. Hayden Kho. "I was not even shocked nung sabihin ni Vicki na mayron din siyang video," ayon kay Lolit Solis sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas sa "24 Oras" ng GMA News nitong Biyernes. Sa isang press con nitong Biyernes ng gabi, kinumpirma naman ni Adel Tamano, abogado ni Belo, na mayroong sex video ang kanyang kliyente kasama ang nobyo nitong si Kho. Ayon kay Tamano, may pahintuloy ni Belo ang naturang video ngunit hindi nasunod ang usapan nila na buburahin ang video kapag napanood na nila. Nilinaw ni Tamano na "testigo" at hindi "akusado" ang kanyang kliyente sa iskandalo ng mga video ni Kho. Handa umanong makipagtulungan ang duktora sa ginagawang imbestigasyon at magbibigay ng pahayag sa susunod mga araw at kung papaano napunta sa ibang kamay ang mga video. Nakausap na umano ni Solis ang kanyang dating talent ni si Kho at humingi ito sa kanya ng paumanhin sa nangyaring iskandalo kasama ang aktres na si Katrina Halili. Dahil matindi ang pagkondena ni Solis sa naglalabasang video, hindi niya umano napigilan na tanungin ang kontrobersiyal na doktor kung bakit kailangan niyang i-video ang mga babaeng nakakatalik. "Nag-sorry naman siya, sabi nya sorry sa mga nangyari. Ngayon ang nagtataka nga lang ako, sabi ko can you ask me directly bakit kailangan i-video ang mga babae? Sabi nya kasi daw ‘di ba yung iba nagtatago ng photographs, yung iba naman gumagawa ng diary, sya ang gusto nyang ano eto," kuwento ni Solis. Ayon pa kay Solis, hindi rin muna magpapa-interview si Belo dahil dumidistansya ito sa isyu. "Ang kanyang stand: Sabihin na natin na she’s the girlfriend of Hayden, so bakit siya kasali sa nangyayari ngayon? 'Di ba napipintasan na nga siya sa pagtaanggol niya kay Hayden kaya siguro kailangan mag-detach siya ng konti," idinagdag ni Solis. Pero sa panayam kay Peter John Javier, abogado ni Belo, itinanggi nito na may sex video ang kanyang kliyente. - Fidel Jimenez, GMANews.TV