Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

C5 road controversy and sex videos


Episode on May 26, 2009 Tuesday night after Saksi THE C5 ROAD CONTROVERSY Report by Jiggy Manicad The issue that once cost him the Senate leadership is still haunting Sen. Manny Villar. Despite his declarations that the C5 Road Extension project is aboveboard, many questions still remain unanswered. And now some of his contemporaries in Senate believe that he indeed committed a “double insertion," meaning the project was twice funded in the contract. Moreover, other senators alleged that he benefited from right-of-way payments from government projects built on his properties. Are there truth to the allegations or is Sen. Villar, as he claims, simply a victim of politicking? SEX VIDEOS Report by Maki Pulido Dr. Hayden Kho and actress Katrina Halili’s sex video is not the first to ever create a scandal. But the question is, could lawmakers make sure that this would be the last to be circulated? To date there are no laws that pertain to the circulation of sex videos, although there are about five resolutions still pending in both the Senate and Congress that address this issue. No pertinent laws mean no convictions for perpetrators of these acts and more opportunities for unsuspecting people to be victimized. While our politicians hasten to enact new laws on this matter, some can’t help but ask if this is a case of too little, too late?
KONTOBERSYA SA C5 ROAD Ulat ni Jiggy Manicad Kontrobersyang naging mitsa ng pagkapangulo ng Senado ni Manny Villar na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nilulubayan. Mula nang mabunyag ang umano’y katiwaliang naganap sa C5 Road Extension Project noong Setyembre ng nakaraang taon, hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ang kontrobersya. Ayon sa ilang senador, nagkaroon ng tinatawag na “double insertion" o dalawang beses na pagpopondo sa iisang proyekto. Si Sen. Villar ang sinasabing nagpasingit ng pangalawang pondo para dito. Nakinabang din umano si Sen. Villar sa pagbabayad ng pamahalaan sa right-of-way sa mga lupaing pagmamay-ari niya na dinaanan ng mga proyekto ng pamahalaan. May katotohanan ba sa mga alegasyon o tulad ng sinasabi ni Sen. Villar ay pamumulitika lang ang dahilan sa panggigipit sa kaniya ng ilan niyang kasamahan sa Senado? SEX VIDEOS Ulat ni Maki Pulido Mapa-diyaryo, radyo o telebisyon, mainit na pinag-uusapan ang kumakalat na kontrobersyal na sex video nina Dr. Hayden Kho at ng aktres na si Katrina Halili. Minsang nagkaron ng ugnayan ang dalawa pero ngayo’y inirereklamo ng aktres ang pagkalat ng sex video kasama si Dr. Kho. Mainit na tinututukan ng maraming ahensya ng pamahalaan ang isyu. Kung tutuusin, hindi si Katrina ang unang biktima ng sex video scandal at marahil hindi rin siya ang magiging huli. Sa kabila nito, wala pang naparurusahan o naipakukulong dahil sa ganitong uri ng gawain. Apat na panukalang batas sa Kamara at isa naman sa Senado ang nakahain upang pigilan ang paglaganap ng sex videos. Pero ang lahat ng mga ito, nakabinbin. Ngayon, pinamamadali na ang pagpapasa sa batas na poprotekta sa karapatan ng mga biktima ng sex videos. Bakit ngayon lang magkukumahog ang mga konggresista't senador sa pagsasabatas ng isang mahalagang panukala?