Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Erap iniwan ng spokesman, lumipat kay Villar

MANILA – Matapos aminin na nahihirapan siyang pag-isahin ang oposisyon, kumalas kay dating Pangulong Joseph Estrada ang tagapagsalita ng United Opposition (UNO) at lumipat sa Nacionalista Party (NP) ni Senador Manny Villar.

Pormal na nanumpa sa NP nitong Huwebes si Atty. Adel Tamano, anak ng dating senador na si Mamintal Tamano at civic leader Hadja Putri Zorayda Abbas Tamano.

“My family has deep roots in the Nacionalista Party and part of what I am doing is to honor my late father and continue his work as a Nacionalista," ayon kay (Adel) Tamano.

“Likewise, I have to make a stand as to who should be president in 2010: It is Sen. Manny Villar. Our biggest problem in the country is poverty and it will take someone who has really experienced poverty to redeem us out of it. That is why I choose him," idinagdag niya.

Kasama ni Tamano na nanumpa sa NP ang negosyanteng si Arsenic Laurel. Pinangunahan mismo ni Villar ang oath-taking sa makasaysayang Laurel House sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Aminado si Tamano na inaasahan niya na makakasama siya sa mga magiging pambato sa Senado ng NP sa 2010 elections. Ilalaban naman si Laurel sa pagka-kongresista sa ikatlong distrito ng Batangas na hawak ni Rep. Victoria Reyes na kasapi ng Lakas-Kampi-CMD.

Sinabi naman ni Villar na malaking kontribusyon sa partido si Tamano na magsisilbing kinatawan ng mga kabataan mula sa Mindanao.

“Mahalaga ang ating mga kababayan sa Mindanao, pati ang mga kabataan ay mabigyan ng representasyon. Kaya ang pagpasok ni Adel ay isang welcome development at ipinagmamalaki ng partido. Naniniwala akong marami pang darating gaya ni Adel na makikita ang magandang adhikain ng partido," ayon sa senador.

Spokesman lang

Minaliit naman ni Estrada ang paglipat ni Tamano sa NP na tinawag niyang “spokesman lang" ng UNO at walang sensitibong posisyon sa partido.

"Wala namang bagay sa opposition. ‘Di naman opisyal si Mr. Adel Tamano, siya ay spokesman lang, ‘di siya member ng executive committee," pahayag ni Estrada sa panayam ng isang himpilan ng radyo.

Hindi umano ka-level ni Tamano sina Makati City Mayor Jejomar Binay o dating Sen. Ernesto Maceda na kapwa miyembro ng executive committee. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
Kongresistang hinatulang makulong umapela sa Sandiganbayan
03/17/2010 | 09:45 PM
MANILA – Naghain ng apela sa Sandiganbayan Third Division si Sorsogon Rep. Jose Solis na baligtarin ang naunang hatol sa kanya na makulong ng matapos akusahang nagkasala sa kasong katiwalian at... More
Pasaporte ni Lacson pinapakansela
03/17/2010 | 08:35 PM
MANILA – Hiniling sa korte nitong Miyerkules ng mga anak ng pinaslang na publicist na si Salvador “Bubby" Dacer na kanselahin ang pasaporte ni Senador Panfilo Lacson na pangunahing suspek sa... More
Pasya ng SC sa pagpili ng chief justice dapat igalang – Villar
03/17/2010 | 05:37 PM
MANILA – Tutol man sa naging desisyon, sinabi ni Nacionalista Party presidential bet Sen Manny Villar na kailangang igalang ang pasya ng mga mahistrado na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong... More
ADVERTISEMENT
Pope's Irish letter faces critical Catholic world
2010-03-20 07:28:29
Pope Benedict XVI addresses Ireland on Saturday in a letter apologizing for the sex abuse scandal...
Pacman to be a tough foe for loudmouth Floyd Jr
2010-03-18 16:16:54
Joshua Clottey believes Floyd Mayweather Jr. will have his hands full if ever a long-awaited...
Intel launches fastest, first 32-nanometer chip
2010-03-19 19:55:42
The Philippine subsidiary of Intel Corp. unveiled to the local market on Friday its fastest...
Hunt on for escaped female detainee wanted for estafa, carnapping
2010-03-18 14:53:49
Authorities are currently hunting down a female inmate linked to swindling and car theft cases...