Filtered By: Showbiz
Showbiz

PETA crowns Geneva Cruz as RP's sexiest vegetarian


MANILA, Philippines - Itinanghal ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) bilang Philippines' Sexiest Vegetarian Celebrity si singer-actress Geneva Cruz para sa taong 2009. Ayon sa online poll na isinagawa ng PETA, maliit lang ang naging pagitan ng puntos nina Geneva at Eat Bulaga host at bokalista ng Delara na si Lougee Basabas. Sinundan si Geneva at Lougee nina Yasmien Kurdi, Chin-Chin Gutierrez, Raymond Bagatsing, Cory Quirino at Alicia Mayer na noon ay naitanghal na rin ng PETA bilang World's sexiest vegetarian celebrity. Ayon sa PETA, ang botong nalikom ni Geneva ay mas mataas pa kung ikukumpara sa mga botong nakuha ng international stars na si Natalie Portman, Hayden Panettiere, Russell Brand, Leona Lewis at Olivia Wilde. Si Geneva ay naunang nakilala matapos mag-double platinum ang unang album ng kanyang grupong Smokey Mountain noong dekada ‘90. - GMANews.TV
Tags: genevacruz, peta