Pauleen Luna wants to be friends with ex-boyfriends
Nais daw ng seksing Kapuso star na si Pauleen Luna na maging kaibigan ang mga lalaki na dati niyang nakarelasyon. Sino naman kaya sa mga ex-boyfriends ng aktres ang malapit muli sa kanya ngayon? Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, inamin ni Pauleen na nagkaroon ng espesyal na lalaki sa buhay niya ilang buwan matapos silang maghiwalay ni Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian noong Hunyo nang nakaraang taon. Ngunit naudlot daw ito dahil na rin sa rekomendasyon ng kanyang mga magulang na hindi ito ang lalaki na nais nilang makasama ng dalaga habangbuhay. âAnd again theyâre right mabuti na lang sumusunod ako, mabuti na lang akoây isang mabait na anakâ¦they are right Iâm very happy now sa trabaho," pahayag ni Pauleen sa Chika Minute portion ng "24 Oras" nitong Martes. Bukod sa pagiging host ng noontime show na âEat Bulaga," kasama si Pauleen sa bagong romantic/comedy primetime series ng Kapuso Network na âAdik SaâYo" kung saan kasama niya sa cast ang dati ring boyfriend na si Marvin Agustin. Nais daw ng dalaga na maging kaibigan ang mga lalaking nakarelasyon niya tulad ni JC de Vera. âAng pinaka-close ko ngayon na nagkaroon ako ng relationship is JC now. Palagi kaming nag-uusap, nagte-text. Si Keempee (De Leon) naman is very very busy, si Mayor (Gatchalian) I donât get to talk to him. Si Marvin naman, just like what I said hindi pa kami ganung ka-comfortable to be talking to each other like before," paglalahad ni Pauleen. - Fidel Jimenez, GMANews.TV