Filtered By: Topstories
News

Pagtakbo ni Arroyo sa Kongreso espekulasyon lang


MANILA – Mananatiling espekulasyon na tatakbong kongresista sa Pampanga sa 2010 elections si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo hangga't hindi nanggagaling sa mismong bibig ng Punong Ehekutibo ang kumpirmasyon. Ito ang inihayag ng ilang kongresista matapos kumpirmahin umano nitong Biyernes ni Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman ang plano ni Gng Arroyo sa 2010 elections. Kaagad ding pinabulaanan ng kalihim ang naturang pahayag. “I think that is pure speculation on Sec. Pangandaman's part, as only President Arroyo knows what she wants to do. Whether she runs or not, no one can rightfully say the rationale behind it as I don’t think they are privy to her thoughts. I don’t think he (Pangandaman) is authorized to speak on her (President Arroyo’s) behalf," pahayag ni Zambales Rep. Ma. Milagros Magsaysay nitong Sabado. Idinagdag naman ni Iloilo Rep. Janette Garin na mas makabubuting hintayin na manggaling kay Gng Arroyo ang pahayag sa plano nito sa 2010 election sa halip na maniwala sa mga sinasabi ng ibang opisyal. “(It) would be better to hear it from the horse's mouth as we have heard a lot of denials," ayon kay Garin. Hindi rin umano dapat bigyan ng ibang kahulugan ang madalas na pagbisita ni Arroyo sa kanyang lalawigan sa Pampanga na ginagawa rin naman ng ibang opisyal. “No one has the right to question her presence in Pampanga as she is free to decide where she wants to spend her time as she was merely performing her duty. With her Cabinet officials talking too much, they are unwittingly creating a scenario which might be misinterpreted by others," paliwanag ni Magsaysay. Duda naman si Baguio City Rep. Maurico Domogan kung tatakbong kongresista si Arroyo dahil mistulang “demotion" ang posisyon sa Kamara kumpara sa puwesto niya ngayon bilang presidente na pinakamataas na posisyon sa bansa. “I don't think that will happen. She won't go down from President to congresswoman," paniwala ni Domogan. - GMANews.TV