Filtered By: Topstories
News

Unang tula ni Rizal


Sinabing sa edad na tatlo ay natuto na si Dr. Jose Rizal na magbasa ng alpabeto. Pero alam nyo ba kung ano ang edad ni Rizal nang likhain niya ang kanyang unang tula kung saan madalas natin marinig ang katagang, "Ang hindi magmahal sa kanyang salita…" Sa gabay ng kanyang ina na si Teodora Quintos Alonzo na nagsilbing unang guro ni Rizal, tatlong-taong-gulang pa lang ang ating pambansang bayani ay nakababasa na ito ng alpabeto. Pagsapit sa edad na lima, nakasusulat at nakababasa na si Rizal ng salita. At sa edad na walo, nakalikha na siya ng tula sa katutubong wika na pinamagatan niyang, “Sa Aking Mga Kabata." Ang tula ay tungkol sa pagmamahal sa wika kung saan madalas nating marinig ang katagang, “Ang hindi magmahal sa kanyang salita, mahigit sa hayop at malansang isda." Sa Aking Mga Kabata Ni Dr. Jose Rizal Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa langit salitang kaloob ng langit Sanlang kalayaan nasa ring masapi Katulad ng ibong nasa himpapawid Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo't mga kaharian At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan. Ang hindi magmahal sa kanyang salita Mahigit sa hayop at malansang isda Kaya ang marapat pagyamanin kusa Na tulad sa inang tunay na nagpala Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin, Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel, Sapagkat ang Poong maalam tumingin Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin. Ang salita nati’y tulad din sa iba Na may alfabeto at sariling letra, Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Tags: pinoytrivia