Filtered By: Topstories
News

Empleyado ng Bureau of Immigration pinaslang sa loob ng bakuran


MANILA – Tinambangan at pinatay ng tatlong suspek sa loob mismo ng bakuran ng kanilang bahay ang isang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, ayon sa ulat ng QTV news Balitanghali. Matapos paslangin ang bitkimang si Douglas Duane Lim, 24, tinangay ng mga suspek ang kulay berde na Ford Expedition nito na may plakang XCS 568. Ayon sa ulat, dakong 1:30 am nang umuwi si Lim sa kanilang bahay sa Bahay Toro, Project 8, Quezon City at kapaparada pa lang nito ang sasakyan nang barilin ng mga nakatakas na salarin. “Nagising na kami because of the bang sa isang kotse saka yung putok...hindi na naka-shout si Edwin I don’t know why," pahayag ni Dr. Diampo Lim, ama ng biktima. Wala umanong alam ang nakatatandang Lim kung may nakagalit ang kanyang anak. Sa gilid na umano ng bahay nakitang nakabulagta ang biktima at kaagad itong isinugod sa ospital pero hindi na umabot ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan. Hinihinala ng mga imbestigador na nabasag ang bintana ng Expedition dahil may nakitang mga bubog sa garahe. Nabangga din ng mga suspek ang isang nakaparang kotse sa kanilang pagmamadali. Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador kung si Lim talaga ang puntirya ng mga suspek o ang mamahalin nitong sasakyan. - GMANews.TV
LOADING CONTENT