Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Empleyado ng Bureau of Immigration pinaslang sa loob ng bakuran

MANILA – Tinambangan at pinatay ng tatlong suspek sa loob mismo ng bakuran ng kanilang bahay ang isang empleyado ng Bureau of Immigration (BI) nitong Sabado, ayon sa ulat ng QTV news Balitanghali.

Matapos paslangin ang bitkimang si Douglas Duane Lim, 24, tinangay ng mga suspek ang kulay berde na Ford Expedition nito na may plakang XCS 568.

Ayon sa ulat, dakong 1:30 am nang umuwi si Lim sa kanilang bahay sa Bahay Toro, Project 8, Quezon City at kapaparada pa lang nito ang sasakyan nang barilin ng mga nakatakas na salarin.

“Nagising na kami because of the bang sa isang kotse saka yung putok...hindi na naka-shout si Edwin I don’t know why," pahayag ni Dr. Diampo Lim, ama ng biktima.

Wala umanong alam ang nakatatandang Lim kung may nakagalit ang kanyang anak.

Sa gilid na umano ng bahay nakitang nakabulagta ang biktima at kaagad itong isinugod sa ospital pero hindi na umabot ng buhay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Hinihinala ng mga imbestigador na nabasag ang bintana ng Expedition dahil may nakitang mga bubog sa garahe. Nabangga din ng mga suspek ang isang nakaparang kotse sa kanilang pagmamadali.

Patuloy namang inaalam ng mga imbestigador kung si Lim talaga ang puntirya ng mga suspek o ang mamahalin nitong sasakyan. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
Kongresistang hinatulang makulong umapela sa Sandiganbayan
03/17/2010 | 09:45 PM
MANILA – Naghain ng apela sa Sandiganbayan Third Division si Sorsogon Rep. Jose Solis na baligtarin ang naunang hatol sa kanya na makulong ng matapos akusahang nagkasala sa kasong katiwalian at... More
ADVERTISEMENT
ABC hires Christiane Amanpour for Sunday morning job
2010-03-19 10:58:44
NEW YORK – ABC News has hired Christiane Amanpour, one of CNN's best-known personalities for...
Top seed Jayhawks struggle through 90-74 win over Lehigh
2010-03-19 17:44:55
OKLAHOMA CITY — Struggling against another Patriot League team in Oklahoma City,...
Intel launches fastest, first 32-nanometer chip
2010-03-19 19:55:42
The Philippine subsidiary of Intel Corp. unveiled to the local market on Friday its fastest...
Mindanao refugees issue so complex — UN body
2010-03-20 08:12:49
The displacement of Mindanao residents due to fighting between government forces and secessionist...