Oxygen therapy, Philippine Spotted Deer, Tagalized songs
07/02/2009 | 10:06 AM
Episode on July 4, 2009
Saturday, 8:30 p.m.
Oxygen Therapy
Ang oxygen na nilalanghap-langhap lang natin, nakakagaling na rin daw ng ilang mga karamdaman at nakakapagpaganda pa! May mga oxygen therapy na ngayon sa mga ospital na nakakatulong daw para labanan ang mga sakit tulad ng arthritis at maging kanser. Samantalang mabisang pantanggal naman daw ng stress ang Oxygen Spa!
Philippine Spotted Deer
Kamakailan lamang namataan ng isang grupo ng mga environmentalist mula sa U.K ang mga bakas ng mga Spotted Deer sa kagubatan ng Negros Occidental. Ang Philippine Spotted Deer ay ang sinasabing world’s rarest deer at nauubos na raw ang lahi nito. Ang mabuting balita, may sanktwaryo pala ng mga usang ito sa Silliman University.
Music Tagalog Versions
Kung ang Amerika may iniidolong David Cook, ang Pilipinas merong David Idol! Mula boses hanggang pananamit, gayang-gaya niya ang international singer. Pati ang hit song nitong “Always Be My Baby," isinalin pa niya sa Tagalog at pinasikat bilang “Ikaw Lang ang Iibigin." Ang pamamayagpag nito at ng iba pang mga kanta kagaya ng “Banana" (Tagalog version ng “Right Now" ni Akon) sa radyo, patunay na patok na patok pa rin ang mga Tagalized songs sa panlasang Pinoy.