Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Pag-angkat ng bigas binatikos ng senador

MANILA – Hinihinala ni Senador Francis Escudero na posibleng umabot sa P5.7 bilyong hanggang P13.1 bilyon ang nawala sa pondo ng gobyerno at napunta lamang sa ‘kickback’ sa ginawang pag-angkat ng 1.5 milyong tonelda ng bigas mula sa Vietnam na ginawa sa unang bahagi ng 2009.

Kasabay nito, binatikos ng senador sa kanyang pahayag nitong Martes ang patuloy umanong pagsandal ng pamahalaan sa pag-aangkat ng bigas na lalong nagpapahina sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas.

“We have become the world’s biggest rice importer. This administration appears hell-bent in keeping the title by importing a record P59 billion pesos worth of rice this year. This nearsighted approach to food security is deplorable. If the alleged overpricing of rice imports are true, then these deals can only be described as unconscionable" ayon kay Escudero.

Sa ginawang pagtaya ng mambabatas, sinabi nito na ang 1.5 milyong tonelada ng inangkat na bigas sa Vietnam ay nagkakahalaga ng P39.64 bilyon ay nabili sa halagang $549.5 per metric ton (batay sa palitang ng piso sa dolyar na P49.98:$1).

Ngunit nang bumili umano ang Pilipinas ng bigas nitong unang bahagi ng 2009, ang quoted price umano ng Vietnam ay nasa $380 - $460 per ton at may 25 percent grade sa pagitan ng $330 - $410 tonelada.

“Assuming that the country bought at high end of the brand ($460 per metric ton) it would mean total cost of P33.87 billion using same assumptions (or P5.7 billion lower than P39.54 billion); at $330, total tab would have been P24.29 billion plus P2.2 billion for freight or P26.5 billion which is still P13. 1 billion lower than P39.64 billion. Thus the $549.5 per metric ton of rice translates to P26.42 per kilogram of landed cost and P39.36 per kg, with 50 percent duties and taxes factored in," paliwanag niya.

“But the alarming dangerous big picture is that the country’s rice import bill may reach P59 billion this year on a projected volume of 2.25 million metric tons," idinagdag ni Escudero.

Sa halip na mag-ubos ng pondo sa pag-angkat ng bigas, iginiit niya na kailangang palakasin ng bansa ang sektor ng agrikultura sa Pilipinas para matiyak ang food security ng mga Filipino.

Kung totoo ang halaga ng nawalang pondo dahil sa kickback, sinabi ni Escudero na sapat ang P4.5 bilyon para ilaan sa paggawa ng mga farm-to-market roadat P3.3 bilyon para ipambili ng abono ngayong 2009.

Batay umano sa ulat ng Oxfam International, bababa ang produksyon ng bigas sa bansa ng 50 hanggang 70 porsiyento sa 2020 kung hindi magbabago ang sistema ng pamahalaan.

“We have more than enough time to mitigate, if not prevent, this nightmare scenario from happening. We will not be able to lift most of our rural communities out of poverty if we continue to neglect agriculture," ayon sa senador. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
ADVERTISEMENT