Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

EO na magpapababa sa presyo ng gamot ipalabas na - solon

MANILA – Inakusahan ni Senador Manuel Roxas II nitong Huwebes si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakikipagsabwatan at ilang multinational pharmaceutical companies upang hindi maipatupad ang ipinasang batas na magpapababa sa presyo ng mga gamot sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni Roxas II na lihim na nakipagpulong si Gng Arroyo sa ilang matataas na opisyal ng multinational pharma sa Malacanang kamakailan upang pigilin ang implementasyon ng Cheaper Medicine Act.

“Sa meeting nila, napagkasunduan na ipagpaliban muna ang EO (executive order) na magpapataw ng Maximum Retail Price (MRP) sa mga gamot. Ang kapalit, gagawa ng paraan ang big pharma companies na ibaba ang presyo ng gamot bago sumapit ang SONA ni GMA (Arroyo) sa July 28," ayon sa senador.

Sinabi ni Roxas na nakatakda sanang ipalabas ang executive order para sa maximum retail price ng 22 pangunahing gamot na isinumite ng Department of Health (DOH) kay Arroyo noong pang Hunyo 16.

Layunin ng MRP na bawasan nang kalahati ang presyo ng gamot para sa malubhang sakit na halos hindi na kayang abutin ng mga mahihirap na pasyente.

Kabilang sa gamot na isasama sa listahan ng MRP ang anti-hypertensive drug na Norvasc na gagawing P22.50 mula sa dating P44.50; anti-diabetic, Diamicron, P7.35 mula sa dating P14.75; anti-biotic Zithromax, P149.37 mula sa dating P298.75; at antibiotic Augmentin suspension 60 ml, P179.50 mula P359.

“Sa meeting na iyon, nandoon daw ang Secretary of Health. Tinatanong kita, Secretary (Francisco) Duque, bakit hindi ka umalma sa kuntsabahang nasaksihan mo sa pagpupulong na iyon?" ayon kay Roxas.

“I believe that this conspiracy was engineered with the facilitation of an influential Presidential Adviser who is also connected with one of the multinational pharmaceutical giants," bintang ng mambabatas.

Dahil dito, hinamon ni Roxas si Arroyo na lagdaan ang EO para sa MRP at itigil ang isinasagawang konsultasyon sa mga pharmaceutical firms. Nais din nito na isama sa listahan ng MRP ang Tamiflu, gamot laban sa kumakalat na A(H1N1) virus na nagkakahalaga ng P150 bawat tableta. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...
iGMA: 'My5' lets viewers choose their StarStruck Final V
2010-02-09 19:09:59
May napili ka na bang magiging Final V mo para sa judgment day ng StarStruck V? We asked...
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
2010-02-09 21:28:52
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa...
10 Ampatuans implicated in massacre are candidates
2010-02-10 00:20:29
DAVAO CITY – Only two of the 12 prominent Ampatuans implicated in the November 23, 2009 massacre...