‘Sexbomb’ Rochelle to star in Pacquiao sitcom
Kinumpirma ng kampo ni âSexbomb" dancer Rochelle Pangilinan na tinanggihan nito ang alok na maging isa sa mga kontrabida sa inaabangang action-series sa Kapuso Network na âDarna." Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na isa dapat si Rochelle sa mga villain ng Pinay superhero na si âDarna" na pagbibidahan naman ni Marian Rivera. Hindi na umano maaasikaso ni Rochelle ang âDarna" dahil siya rin ang magiging lead star sa bagong season ng âDaisy Siete." Kabilang din siya sa mga makakasama ni Manny Pacquiao sa magiging sitcom nito sa GMA Network kung saan magiging mainstay din si Marian. Bukod pa rito ang mga out-of-town at out of the country shows na gagawin ng magandang dancer/actress. âSa July 28 pa kami nag-i-start ng taping," masayang kuwento ni Rochelle sa sitcom nila ni Pacquiao nang makapanayam sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Excited ba naman si Rochelle sa sitcom na pagsasamahan nila nina Pacquiao at Marian? âSiyempre naman. Makakasama mo ba naman si Manny Pacquiao, nakaka-excite sobra (makasama mo) ang âPambansang Kamao,â ayon kay Rochelle. Idinagdag niya na nagkaharap na sila ng world boxing pound-for-pound champ at wala siyang masabi sa kabaitan at pagiging down-to-earth ng Pinoy boxing icon. - Fidel Jimenez, GMANews.TV