Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Asoge ipagbabawal na sa mga paaralan sa elementarya

MANILA – Hindi na maaaring gamitin at mag-imbak ng asoge (mercury) sa mga paaralan kapag tuluyang naisabatas ang panukalang inaprubahan sa Kamara de Representantes.

Sa ilalim ng House Bill 6363 na iniakda ni Paranaque Rep. Eduardo Zialcita, ipagbabawal na ang pagbili, paggamit, at pag-iimbak ng asoge o mercury sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementarya.

“Ang batas na ito ay mahalaga dahil layunin nitong bigyan ng proteksiyon ang mga batang mag-aaral sa banta sa kanilang kalusugan na maaaring idulot ng kontaminasyon sa asoge," paliwanag ng kongresista.

Lumitaw umano sa mga pag-aaral na ang asoge ay lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao at maging sa kapaligiran kahit na maliit na bahagi lamang ng kemikal ang maikalat.

“Ang pagkakalantad ng isang tao sa mercury ay maaaring makaapekto ng matindi sa kanyang utak, lapay at baga, partikular na sa mga bata na may mas mahinang pang immune system," paliwanag ni Zialcita.

Nakasaad sa panukala na kasamang ipagbabawal sa mga paaralan sa elementarya ang paggamit thermometers, barometers, sphygmomanometers at manometers na naglalaman ng asoge.

Inatasan din sa panukala ang Department of Health, Department of Environment and Natural Resources, Department of Education, at Commission on Higher Education na bumuo ng kaukulang panuntunan para maipatupad ang batas.

Ang mga lalabag sa panukala ay mahaharap sa parusang pagkabilanggo na hindi bababa sa limang taon at multang hindi bababa sa P1 milyon, o pareho depende sa magiging desisyon ng korte. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
ADVERTISEMENT
Obama, Democrats secure votes for health care bill
2010-03-22 11:03:10
WASHINGTON – Summoned to success by President Barack Obama, the Democratic-controlled Congress...
After 10 years, coach Baculi now living the dream
2010-03-22 13:45:03
It took new Barako Coffee coach Junel Baculi 10 years to prove to all and sundry that he truly...
Chinese media chastise Google over threat to leave
2010-03-22 21:16:22
BEIJING – China's state-controlled media intensified criticism of Google on Monday, accusing...
Lawmaker wants cockfighting part of RP heritage
2010-03-21 16:17:55
Cockfighting may soon be officially part of the country’s national cultural heritage, if a...