Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Entertainment

PEP: Dennis Trillo admits Pauleen Luna is special to him

Kakaibang Dennis Trillo ang mapapanood sa kanyang kauna-unahang independent film, Astig, na nag-premiere sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong Sabado ng gabi, July 18. Ang naturang pelikula ay entry sa Cinemalaya Film Festival this year.

First indie movie ni Dennis ang Astig, pero ayon sa mga nakapanood, naipamalas na agad nito ang range niya bilang aktor. Posible kayang mapadalas ang paggawa niya ng indie movies pagkatapos ng Astig?

"Palagay ko, kasi masarap ang pakiramdam na makagawa ng isang bagay na kakaiba na bihira mo lang na nagagawa. And siguradong manganganak pa 'to," masayang sabi ni Dennis sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).


Masaya kasi siyang kasama. Masaya ako kapag kasama ko siya. At saka magkasundo kami sa maraming bagay
Dennis Trillo


Gaano ba siya ka-proud sa project na ito?

"Sobrang proud!" bulalas niya. "Ito ang una kong indie movie at nakasama siya sa Cinemalaya."

During the press conference of Astig, Boy Abunda, one of the producers of the movie, was all praises for Dennis's acting. On the actor's part, since first time lang din niyang napanood ang movie, masasabi ba niyang na-meet niya ang expectations niya?

"Oo naman, oo naman," mabilis na sagot ni Dennis. "Yun ang na-picture out ko pagkabasa ko ng script. At siyempre, gusto kong i-congratulate yung magaling naming director na si Direk GB [Sampedro] at sa mga producers namin, si Mr. Boy Abunda at Mr. Boy So. Maraming salamat sa pagkuha nila sa akin."

Ayon kay Dennis, wala naman daw siyang na-encounter na difficulties sa paggawa ng kauna-unahan niyang indie film.

"Okey lahat ng kasamang cast, lahat professional. Magaling ang director namin. Yun nga lang, medyo hirap lang sa pag-shoot kasi yung mga location namin, puro matao. Kaya medyo hirap lang kaming kontrolin ang crowd, pero napapakiusapan naman," saad niya.

Nagmumura at astig-astigan talaga si Dennis sa movie. Aniya, malaking tulong daw na lumaki siya na karamihan ng barkada niya ay "tough guys."


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

"Doon ko sa kanila nakuha rin yung mga nuances," nakangiti niyang sabi.

PAULEEN LUNA. On a personal note, tila mas open na si Dennis ngayon sa kung anuman ang meron sa kanila ni Pauleen Luna, co-star niya sa romantic-comedy series ng GMA-7 na Adik Sa 'Yo.

Walang ka-date si Dennis na dumating sa premiere night. Pero ayon sa kanya, gusto raw sanang sumama ni Pauleen at manood.

"Dapat kasama siya, kaso alam ko, maraming tao, sigurado pagpipiyestahan lang kami," nakangiting sabi niya. "Siguro, sa ibang araw na lang kami manonood, kapag walang masyadong maraming tao. Baka hindi na kami mag-enjoy. Titingnan ko muna."

Inamin na rin ni Dennis na palagi silang lumalabas ni Pauleen at sa lahat ng babae, si Pauleen ang "pinaka-special friend" niya. Pero ano nga ba ang meron kay Pauleen at ito ang pinaka-special sa kanya?

"Masaya kasi siyang kasama. Masaya ako kapag kasama ko siya. At saka magkasundo kami sa maraming bagay," sagot ng aktor.

Natatawa namang umamin si Dennis tanungin kung nasa "dating period" na ba sila ni Pauleen.

"Oo, yun na nga," sabi niya.

Sila na ba ni Pauleen o papunta pa lang sa pagiging romantic ang pagiging special friend nila?

"Tingnan na lang natin, di ba? Wala naman kaming pipilitin na kahit na ano. Sobrang close kami. Palagi kaming lumalabas. Special siya sa akin. Basta ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa," saad ni Dennis. - Rose Garcia, PEP
ADVERTISEMENT
KBL's Sonza can work with any presidential bet
2010-03-15 14:32:27
Jay Sonza’s path to politics is anything but straight. But now, the Kilusan Bagong Lipunan’s...
Money sent home by Pinoys abroad up by 8.5% in January
2010-03-15 16:41:03
Money sent home by Filipinos overseas went up by almost a tenth to $1.4 billion in January from a...
Dutch pedophile political party disbands
2010-03-15 19:01:47
AMSTERDAM – A Dutch political party formed by self-described pedophiles has voted to disband...
Booths allow OFWs to practice ballot shading
2010-03-15 19:43:08
Practice makes perfect, so barely a month before the start of the overseas absentee voting (OAV),...