Filtered By: Topstories
News
Simbahang Katoliko sinasaktan ni Panlilio, ayon sa obispo
MANILA- Inihayag ng isang obispo sa Pampanga nitong Huwebes na nasasaktan ang Simbahang Katoliko sa plano ni Pampanga Governor Eddie âAmong Ed" Panlilio na tumakbong presidente sa 2010 elections. Kasalukuyang naka-leave si Panlilio bilang pari at inaasahang tuluyang magbibitiw bilang alagad ng Simbahan bago matapos ang Nobyembre para maghain ng kanyang kandidatura bilang pangulo. âIgagalang namin ang desisyon ni Among Ed. Pero dapat igalang din niya at sundin ang tamang proseso. Humingi muna siya ng dispensation sa pagkapari," ayon kay Pampanga auxiliary bishop Ambo David sa panayam ng Veritas radio nitong Huwebes. Hindi naman makapaniwala si David sa pahayag ni Panlilio na tawag ng Diyos ang nag-udyok sa kanya na tumakbong pangulo ng Pilipinas. âHe speaks of Gods will as if heâs the only one capable of discerning Godâs will. If many in the community in his own superiors say otherwise, then we are praying to different God?," puna nito. Idinagdag ni David na kung itutuloy ni Panlilio ang pagtakbo sa 2010 elections, parang binali na rin niya ang binitiwang pahayag na tatlong taon lamang manunungkulan.
Mahirap po âyan. E sabi nga âpag nagsasalita ka sa Diyos, âpag nagdasal ka ay okey lang âyon, pero kapag ang Diyos ay nagsalita saâyo, aba delikado âyan. Karaniwan po âyan ay nasa mental hospital.âArchbishop Oscar Cruz
âHe doesnât realize how he is hurting the Church with his behavior," pagdiin ng obispo. Sa hiwalay ng panayam ng himpilan ng radyo, inihayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, na hindi dapat basta paniwalaan ang mga tao ang naririnig na bulong at maging ang naririnig na utos ma pinapaniwalaang galing sa Diyos. âMahirap po âyan. E sabi nga âpag nagsasalita ka sa Diyos, âpag nagdasal ka ay okey lang âyon, pero kapag ang Diyos ay nagsalita saâyo, aba delikado âyan. Karaniwan po âyan ay nasa mental hospital," ayon sa arsobispo. Idinagdag niya na hindi dapat iugnay lahat sa Diyos ang mga nakikita o nararamdaman. âKung minsan po ay maraming self deception. Kung minsan ang naririnig kong sinasabi sa akin ng Diyos o ibinubulong sa akin ng Diyos ay âyong gusto ko," paliwanag niya. âMinsan nga merong nagsabi na hindi siya kakandidato, sinabi sa araw pa yata ng kagitingan âyon na hindi ako kakandidato, pagkatapos kinausap siya ng Diyos, kumandidato siya," pahabol niya. Una rito, sinabi ni Panlilio na tuluyan na niyang iiwan ang pagpa-pari upang tumugon sa âtawag" sa kanya ng Diyos kaya nabuo ang kanyang pasya na tumakbong presidente sa 2010. - GMANews.TV
Mahirap po âyan. E sabi nga âpag nagsasalita ka sa Diyos, âpag nagdasal ka ay okey lang âyon, pero kapag ang Diyos ay nagsalita saâyo, aba delikado âyan. Karaniwan po âyan ay nasa mental hospital.
More Videos
Most Popular