Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez is crazy over green mango


Sinimulan na ni Regine Velasquez na mag-shooting sa ikatlong pelikula na pagtatambalan nila ni Aga Muhlach. Ngunit sa pagitan ng shooting, marami ang nakapansin sa pagkahilig ng aktres sa pagkain ng manggang hilaw at bagoong kaya may mga nagtatanong kung naglilihi na ba ang tinaguriang Asia’s Song Bird. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na kapwa excited sina Regine at Aga sa muli nilang pagsasama sa movie na produce ng Viva films at sa direksyon ni Direk Joyce Bernal. May nadarama kayang pressure kay Regine sa third movie team-up nila ni Aga dahil parehong naging box office hits ang nauna nilang dalawang pelikula?


Hindi ko pa alam ang feeling ng maglihi pero siyempre tatapusin ko muna yung mga kailangan kong tapusin
– Regine Velasquez
“I don’t wanna expect anything. Ayoko ring magpa-pressure, basta I’m happy working with Aga again and with Viva," ayon sa singer/actress nang makapanayam para sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Halatang enjoy na enjoy nga sa shooting si Regine dahil bukod kay Aga, nagsilbi rin ang movie na reunion nila ni Direk Joyce. At tuwing matatapos ang mga eksena, walang katapusang chikahan ang ginawa ng dalawa, at walang tigil na pagkain ni Regine ng manggang hilaw at bagoong.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Naglilihi na nga ba si Regine? “Nakita ba ko?" natatawang pahayag ni Regine. “Mahilig talaga ako sa mangga e, lagi ko talagang kinakain ‘yan." Pero kung sakali, handa na ba siyang maglihi at bigyan ng baby ang boyfriend niyang si Ogie Alcasid? “Hindi ko pa alam ang feeling ng maglihi pero siyempre tatapusin ko muna yung mga kailangan kong tapusin," idinagdag ng aktres. Samantala, sa premier night ng movie nina Ogie at Judy Ann Santos na “Oh My Girl", hindi rin nakaiwas sa tanong ng entertainment press ang singer/composer/actor kung naglilihi nga ba talaga si Regine dahil sa hilig nitong kumain ng manggang hilaw. “Maganda kung ganoon," bungad ni Ogie. “...hindi mahilig talaga yun, mahilig talaga si Regine sa bagoong at mangga, lagi ‘yan," ayon sa aktor. - Fidel Jimenez, GMANews.TV