Arroyo binatikos sa pagpaparenta ng agri-land sa mga dayuhan
07/30/2009 | 05:47 PM
MANILA – Inakusahan ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nakipagkasundo sa ilang korporsyon ng mayayamang bansa upang “ibenta" ang mga pangunahing lupang taniman sa Pilipinas.
Ayon kay Estrada, mas ginusto pa ni Gng Arroyo na “ibenta" ang mga lupang agrikultural sa mga dayuhan sa halip na paunlarin ang sektor ng sakahan.
Sinabi ng mambabatas na “ibinenta" ni Gng Arroyo ang 94 hektarya ng lupain sa Mindoro sa isang South Korean company - ang Jeonman Feedstocks Ltd., - sa loob ng 25 taon para sa produksiyon ng mais sa kanilang bansa.
Mahigit 600,000 hektarya naman ng lupain sa Pagudpod, Ilocos Norte ang pinayagan umano ng administrasyong Arroyo na rentahan ng isang Japanese investment group para sa produksiyon ng biofuel. Bukod pa ito sa 1.24 milyong hektarya ng lupain sa nabanggit na lalawigan na inuupahan naman ng China.
Mayroon din umanong iniaalok si Gng Arroyo ng mahigit 100,000 hektarya ng prime farmland sa isang Qatari venture. Ngunit wala pa umanong impormasyon si Estrada kung ano ang itatanim sa naturang lupain.
“Instead of helping develop these lands for our own farmers’ benefit, is the government now in essence selling these prime, productive properties to foreigners?" puna ng mambabatas.
Kasabay nito, nananawagan si Estrada sa mga Filipino na labanan ang umiiral umanong “agri-colonialism," “global land grabbing," at “neo-colonialism" sa Pilipinas.
“Mayroon nang makabagong pananakop sa mahihirap ng bansa ng mga mayayaman sa pamamagitan ng agrikultura," batikos ng senador.
Ayon kay Estrada, nakatawag ng atensiyon sa buong mundo sa naturang usapin nang ilathala ng International Food Policy Research Institute (IFPRI) noong July 2009 sa World Mission Magazine artikulong may titulong, “The Global Land Grab.
Tinukoy umano ang Pilipinas sa nasabing artikulo bilang “lease hotspot," dahil na rin sa libo-libong ektarya ng lupain ang hinayaan ng pamahalaan na ipasok sa lease contract sa mga mayayamang bansa.
Nakasaad sa ulat ng FPRI na napilitan ang mayayamang bansa na katulad ng South Korea, China, India at sa Gitnang Silangan na bumili o umupa ng malalawak na lupaing agricultural sa mahihirap na bansa sanhi ng krisis sa pagkain, nauubos na likas na yaman, kakapusan sa tubig at iba pang isyung pangdaigdigan.
“We should take bold steps to modernize our agriculture now, especially in the face of the persistent global food crisis. The Philippines , being basically an agricultural country, has the great competitive advantage over most countries of the world in terms of ensuring food security and agri-business," ayon kay Estrada. - GMANews.TV