Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
National

'Ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat:' Transcript of Cory Aquino's last interview


JS: Pero nung nakuha na nga po iyong one million, nagsisi ho ba kayo?


Cory: Ah hindi but before that, dasal na ako nang dasal. Sinabi ko doon sa aking spiritual adviser na siguro I’d like to pray at the Pink Sisters for one day. So sabi niya, “Sige, I’ll give you some books that you can read while you are there."

Sabi ko, “Atsaka gusto ko rin mag-fasting. Ayoko na kumain, parang sacrifice na rin iyon." Pero sabi niya “Siguro kainin mo kung ano ibibigay sa iyo ng mga madre dahil mapapahiya naman sila." Sabi ko, “Siguro kahit sabaw na lang at crackers."

So I remember I had cream of mushroom soup and crackers but to this day, I consider that iyon ang araw na buong-buo hindi lang kalooban ko, but soul and body were together in just offering myself to the Lord and asking for His help.

I prayed for everybody I knew. Kasi from 9 to 5, never pa naman ako nagdasal nang ganoon katagal. I was all alone, near the sacristy, basta nakaluhod ako doon, kitang-kita ko iyong blessed sacrament. Pinagdasal ko lahat. Pinagdasal ko iyong mga hindi maganda ang ipinakita sa amin o pinahirapan ang buhay namin ni Ninoy. Pinagdasal ko rin naman ang lahat ng tumulong sa amin, lahat ng mga kamag-anak ko, lahat ng mga kaibigan ko, talagang the whole day. And I hope that day will come again when I can pray for everybody. I have not been able to do that dahil ‘di naman ako nagna-9 to 5 ngayon eh, so I hope that day will come.


Jessica: Ma’am ‘eto na, you’ve thrown the towel, so to speak. Wala nang atrasan. Suddenly, your life is turned around. From a very private person, you’ve suddenly become very public and running for president, hanggang nanalo kayo as president. What was that like for you?

Cory: Ay talagang ibang-iba talaga ang buhay ko noon at sinabi ko sa mga anak ko, “Lahat ng pwedeng magtalumpati, magtalumpati kayo dahil imposible ko malibot ang buong bayan, dahil 60 days, wala naman tayong mga sasakyan." Kung minsan nakakahiram ako ng eroplano o helicopter pero kadalasan, kamukha nung nagpunta ako sa Mindanao, 12 days na hindi na ako bumalik dito.

At ang malungkot noon, dahil maliit lang ang eroplano na nahiram namin, tatlong damit lang ang nadala ko na dilaw. Eh kung minsan, nakakapaglaba kami, kung minsan hindi. Iyong kasama ko sasabihin, “Uy maswerte tayo may washing machine itong titrhan natin." Every night kasi, ibang bahay. So, ako noon, basta malabhan, pero kung minsan, wear and wear, hindi na wash and wear. Kaya sabi ko sana hindi na ako maamoy ng mga tao dito but sa kagandahang loob na ipinakita sa akin ng mamamayan, talagang inisip ko, “Naku kung ganito kagaling ang reception sa akin, baka naman may pag-asa ako."

In fact, doon sa isang pineapple plantation sa Mindanao, eh di nagsasalita na ako. Binibigay ko iyong dati kong sinasabi – kung ano mga nangyari sa amin noong Martial
Law, na nakulong si Ninoy, at iyon nga, napatay siya. Pero sabi ko, “Kaming mag-iina, ako at ang mga anak ko, ay talagang pinagsisikapan naming maibalik ang demokrasya."

Tapos nakita ko, medyo umaambon-ambon pa noon e, may isang bucket na pinapasa-pasa doon ng mga taong nakikinig sa akin. Sabi ko, “Ano kaya ginagawa nila?" Pero sige pa rin ako doon sa aking talumpati. Ang talumpati ko naman parang kwento ng aking buhay at buhay ni Ninoy lalong-lalo na nung nasa piitan siya. Pagkatapos, nung natapos ang aking talumpati, umakyat iyong barangay captain, binigyan ako ng isang bilao na saging at pineapple. Nagpasalamat naman ako. Pagkatapos, merong nag-abot sa kanya nung plastic bucket nga na nakikita ko. Sabi, “Para sa iyo ito." Nung tinignan ko, mga piso. Noong araw, piso pa iyong mga bills, atsaka coins.

Alam mo talaga, parang gusto kong maiyak dahil ang hirap nila yet they were giving whatever they had to me. Kaya talagang sabi ko, “Naku naman, ang bait nitong mga tao rito." Pag-uwi ko, I remember telling Ballsy, “Mukhang may chance nga ako." Sabi ko, “Biruin mo naman itong ginawa sa akin, hirap na hirap sila, bibigay pa nila kung ano iyong konting pera nila sa akin."

Itong mga anak ko, siguro sabi, “Pagbigyan na lang natin si Mommy," because nobody was giving me a chance at all. But because seeing those people be so kind to me, talagang sabi ko, “Wow, naghihirap sila pero inalay pa sa akin kung anuman ang meron sila."


Jessica: Totoo ho ba na si Kris lang ang pabor sa inyong tumakbo noon?

Cory: Oo, kasi pagkagaling ko nga sa Pink Sisters, sinabi ko sa mga anak ko, “Palagay ko, kailangan na nga akong kumandidato. Hindi alam ng Daddy (referring to Ninoy) na ako ang magiging kandidato pero ang gusto nating lahat ay maibalik ang demokrasya." Tapos si Ballsy, although she doesn’t remember that, she said, “Mom, haven’t we sacrificed enough?" sabi niyang ganoon. Tapos si Kris sabi niya, “Go for it Mom!" Pero ang ibang anak ko, “Naku ano na naman itong papasukan ko?" Pero after that, I explained to them that this is what Daddy was hoping for when he came back – to talk to Marcos, to try to persuade him to offer elections so that we can go back to the democracy that we once knew.

But noon sinabi ko na, “Inaasahan ko na kakampanya kayo lahat, at lahat naman kayo marunong magtalumpati dahil imposible akong mag-isang makalibot sa buong bansa." So kanya-kanya silang lakad kung saan-saan. Ang kasama ko iyong asawa ni Ballsy, si Eldon, dahil sabi niya, “Mom ‘di ko talaga yata kaya magtalumpati." So siya bale ang bodyguard ko at dahil kung minsan aakyat ako ng truck. Noon, ewan ko ba kung sino ang nagsabi sa akin, “Kung presidential candidate ka, hindi ka pwede magpantalon." E alam mo na naman nung 19-forgotten, so hindi naman pwedeng slim skirt kasi paano ako aakyat dun sa truck so medyo naka-full. Pag-ihip ng hangin, ang ginagawa ni Eldon, tinatanganan niya na huwag lumipad iyong aking skirt.

Ang pinakamagandang nangyari sa akin nun, I lost 12 pounds, dahil halos walang tulog atsaka kakain kami siguro sa gabi na lang dahil mahirap eh. During the day, ni ayokong uminom eh…Kung babae ka nga noong panahong iyon, medyo mahirap.


Corazon Cojuangco Aquino takes her oath-of-office as the eleventh president of the Philippines.


Jessica: Ma’am, they say that your victory as president was the best revenge sa mga Marcos. Did you feel that way?

Cory: Hindi naman iyong revenge ang hinahanap ko eh. Talagang gusto ko, sabi ko, “Ituloy natin ang laban ni Ninoy." Ang laban nga niya ay upang maibalik ang ating demokrasya. At naku naman, iyong mga kaibigan ko na foreign correspondents, sabi nila, “Cory you’re popular but there’s no way you can win." Dahil unang-una, kontrolado lahat ni Marcos. I don’t think I was ever in television.

JS: It was never the motivation for you that he made your husband and your family suffer?

Cory: Ah no, bahala na ang Diyos doon. At ano naman ang magagawa ko? Maski na. That was never in my mind. Even Ninoy. The fact that he was willing to come back here and ask Marcos to talk to him, to try to convince him that it was time to call for elections so that we can return to democracy. Sinabi ko pa noon na “Ninoy, bakit mo inaakala na kakausapin ka? Sino ka naman?" Tapos sabi niya, “No, I have the moral ascendancy over him. Nakatira tayo dito sa America. Okay tayo. We’re living in a free country. We’re free to do whatever we want and I’m willing to give all of that up just for the chance to talk to him." Eh sabi ko, “O sige." Pero talagang iniisip ko, “Bakit naman siya kakausapin ni Marcos?"


Jessica: Ma’am nung president po kayo, do you remember the highs and the lows?

Cory: Ah yah.

Jessica: Let’s start with the highs.

Cory: O sige. Well first, iyong nakita mo ang mga mamamayan na talagang nagpunta sila sa EDSA at sinisigaw iyong pangalan mo at talagang nakahanda sila na ialay ang lahat pati ang kanilang mga buhay upang maibalik ang demokrasya. Siguro the highs, well, I have to admit when I went to the United States.

Dapat talaga November ako bibisita doon e, pero medyo nagwo-worry ako. Sabi ko nga doon sa isang cabinet meeting that I’d like to advance my visit dahil baka makalimutan na ako ng tao e. Baka pagpunta ko sa America, sabihin “Cory who?"

Philippine president Cory Aquino receives a standing ovation after addressing the U.S. Congress in 1986.

Medyo nininerbiyos ako na baka hindi na ako matandaan. Pagkatapos, inutusan ko si Rene Saguisag, Ching Escaler and Teddy Boy, sabi ko baka pwede kayo pumunta sa Washington. Tanungin niyo kay George Shultz baka pwede i-advance ang aking visit dahil nga ang ikinatatakot ko, baka makalimutan na ng tao, sasabihin “Cory, Cory who?"

So from November, naging September. At alam mo, ay naku Jessica, ang swerte ko talaga. If I had gone in November, that was the time of the Iran-Contra scandal. Eh sino ang papansin sa akin noon? It’s just that I was afraid I would not be recognized kaya tinanong ko kung pwede ako pumunta ng September, pumayag naman sila. Basta imbes na state visit, official visit daw. Sabi ko, “Ano ba ang kaibahan nun?" Kung official, lunch imbes na dinner with the president. Ang dinner mo, with the secretary of state. So sabi ko, okay lang sa akin iyon.

And then ang swerte ko pa rin. Iyong Speaker of the House was Tip O’Neill from Massachusetts. And komo nga tumira kami sa Boston, plus the fact that both of us received honorary doctorates in Stonehill College, at the same time. At that time, I was just the widow of Ninoy, but he was very nice. Katoliko din (siya) at alam niyang tumira kami sa Boston. Kasi when you’re invited to address Congress, it has to be the speaker to invite you, hindi ang presidente.


Jessica: Naalala niyo pa that moment when you entered Congress?

Cory: Ay talaga!

Jessica: And there was a standing ovation.

Cory: Oo e, naku! Parang “Wow!" At alam mo, ang nakakagulat noon Jessica, wala akong kanerbiyos-nerbiyos nun eh. Sabi ko, “Bakit kaya ganito ang feeling ko?" Although the day before, tinanong sa akin ni George Shultz, “Would you like to rehearse on my teleprompters?" Sabi ko, “Oh yes. Thank you very much!" Dahil wala naman akong bitbit na teleprompter.

Jessica: Si George Shultz daw may Cory Aquino doll on his lapel?

Cory: Ay talaga? Sa kabaitan naman sa akin, pinadala iyong technicians niya at tinanong pa sa akin, “Ma’am may we know what size heels, how many inches?" So kaya tamang-tama kung saan nilagay iyong (telemprompters).

Page: 1 | 2 | 3 | 4 | 5 | 6
ADVERTISEMENT
Report finds online censorship more sophisticated
2010-03-12 08:07:15
Repressive regimes have stepped up efforts to censor the Internet and jail dissidents, Reporters...
US stocks climb for 3rd day as financial shares rise
2010-03-12 07:28:13
A rally in financial stocks Thursday helped the market extend its grind higher to a third day.
Twin suicide bombs kill 43 in Pakistani city
2010-03-13 07:03:16
Two suicide bombers killed 43 people in near-simultaneous blasts Friday, the fourth major attack...
Banat ng pinsan ayaw patulan ni Gibo
2010-03-13 00:23:25
MANILA – Binalewala ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro Jr....