Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Ligtas kami sa Iraq (1)


Araw-araw po akong nagbabasa ng inyong mga balita sa internet at ako po ay isa rin sa mga libu-libong nagtatrabaho rito sa Iraq. Sana po ay mayroon po kayong oras na basahin at malathala ninyo ang aking sulat-saloobin para mabasa po ng mga kinauukulan. Ito po ang aking unang sulat sa inyo pero asahan po ninyo na lagi na rin pong magbabahagi ng aking opinyon sa inyong website. Salamat po muli at mabuhay! WAR ZONE: A LAND FLOWING WITH MILK AND HONEY Isang magandang araw sa ating mga kababayan lalo sa mga katulad kong OFWs na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay habang malayo sa pamilya at kinagisnang kultura. Lately, we heard of our kababayans who died in Afghanistan due to chopper crash. The daily news either in print and broadcast media were stormed by comments, sympathy, grievances and even some politicians, who most of them are actually doing nothing for our kababayans abroad. Kumbaga, sawsaw sa issue ang ilan sa kanila at pasintabi po sa mga alam natin na may magandang intentions na leaders ng bansa. Hindi ko po mapigilan ang hindi mapatawa sa mga balita, opinyon at komentong ito dahil karamihan sa kanila, hindi nila alam ang tunay na sitwasyon at buhay sa tinatawag nating war zones (Afghanistan and Iraq). Masakit man isipin pero ang chopper crash na nangyari ay isang aksidente lamang na kahit saang dako ng mundo ay maaaring mangyari. Ang pagbagsak ng chopper sa Afghanistan na kumitil ng ilang tao kasama ang ilang Filipino ay hindi war related.


Papaano ka matatakot dito kung mismong mga US troops ang mga nagsisilbing guwardiya sa lahat ng sulok na pwede mo puntahan - 24/7.
– Pinoy in Iraq
Let’s put it this way… by statistics, how many people die in Pinas every year due to accident,? due to criminality? How about those innocents killed, wounded and held in the midst of operation against Abu Sayyaf, MILF, NPA, and some other rouge organizations? Ilan po ang napatay na inosenteng sibilyan ng mga pulis at militar? Napakasakit isipin pero ang nakayayanig na katotohanan ay hamak na mas nakakatakot na minsan ang ating sariling bayan compared to the real scenario in the war zones specially here in Iraq. I will enumerate some of the benefits that we are receiving here in Iraq which most probably are not given in some other OFW destinations. Kasi kung sasabihin ko lahat e baka mapagkamalan na nagyayabang na po ako. Dito, kumakain kami ng libre sa dining facility kung saan kumakain ang mga tropang Kano. Madaming tao sa Pinas na pinapangarap makain ang mga inihahain sa amin from variety of fruits, sweets, pasta, sandwiches, and seafoods. Pati na rin siopao, sinigang at adobong pinoy…araw-araw ‘yan. Papaano ka matatakot dito kung mismong mga US troops ang mga nagsisilbing guwardiya sa lahat ng sulok na pwede mo puntahan - 24/7. Samantalang sa Pinas, nakakatakot maglakad sa gabi kahit pa sa lugar na malapit sa city hall o police precincts. Dito, pati bottled water pinanliligo namin ng libre, sa Pinas napakamahal n'yan. Dito halos wala kang gagastusin sa araw-araw…ang pamasahe o kaya pambayad sa gasoline hindi uso rito. Kaya you can send back home even as much as 95 percent of your salary. Sa atin at sa ibang bansa, daily allowance of a worker corresponds to big portion of the pie. Maluwang din at libre ang accommodations dito. Sa atin at sa ibang lugar, napakamahal ng accomodatio kaya nagtitiis sila sa napakaliit at masikip na shared rooms (minsan nga double deck pa). Wala ka ring halos gagastusin sa pag-alis dahil kung may kumpanya ka lang, sila na ang sasagot sa lahat…from airfare to everything at walang agency na dadaanan.

Kung i-survey po nila kaming OFWs dito sa Iraq at tanungin kung papayag ba kaming pauwiin ng gobyerno? Definitely, 99% if not 100% ang sasagot ng big “NO.’ It is all because Iraq offers a rare opportunity that an ordinary Pinoy can have.
– Pinoy in Iraq
But most importantly, salary…why should I desire to go home if my salary here per month surpasses all the benefits, compensation and other bonuses I used to receive in a whole year sa Pinas. To tell you, may maganda po akong trabaho sa atin noon. Kaya nang ini-offer po ang aking current na work, I filed 6 months leave to make sure na may uuwian ako in case. Kasi nga po ay parang extreme po ang mag-work sa ganitong lugar. I feel blessed that after 6 months of hardwork, they doubled my salary from the original offer nila sa akin noon. Samantalang sa atin, almost 10-yrs ako sa work ko, 30-40% lang ang total increment for that long span of time. Marami po sa mga colleagues ko rito ay decades na sa ibang countries sa Middle East. Pero sabi nga nila ay mas marami raw silang naipon sa 2-years lang nila rito sa Iraq. Ang isang ordinaryong mekaniko, karpintero at laborer ay kayang kitain ang kita ng 2-3 executives sa Pinas. Papaano na lang kaya ang mga IT, Engineers at iba pang professionals. Mind you, mayroon sumasahod dito ng 200,000-500,000 bawat buwan, pero ang kalibre sa Pinas ay ordinary lang na professionals. Dito walang bawas ang sahod samantalang sa Pinas kahit wala ka pang loans more than 20% na yata ang mabawas sa taxes at iba pang deductions. Kung i-survey po nila kaming OFWs dito sa Iraq at tanungin kung papayag ba kaming pauwiin ng gobyerno? Definitely, 99% if not 100% ang sasagot ng big “NO.’ It is all because Iraq offers a rare opportunity that an ordinary Pinoy can have. Don’t get us wrong, hindi po namin ipagpapalit ang aming mga buhay para sa salapi. I just wanna convey to the government that we are on a green field and safe ground for as long as we don’t go out of the US military bases and facilities. Ang kailangan natin sa Afghan at Iraq ay ma-regulate lang ang company kung saan pwede mag-work ang mga OFWs. But you don’t need to impose a total BAN. (Itutuloy) - GMANews.TV V.R, Pinoy in Iraq Mga Kapusong Pinoy! Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala at binuksan ang inyong buhay sa Kwentong Kapuso upang maibahagi sa iba. Ang inyong mga karanasan, saloobin, payo, at kung ano-ano pa na ibinahagi nyo sa amin ay nagbibigay ng lakas ng loob, dagdag na kaalaman at pumapawi sa kalungkutan na nararamdaman ng marami nating kababayan na malayo sa kanilang mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas. Sana'y hindi kayo magsawa sa pagbisita sa ating website na GMANews.TV at silipin ang iba't-ibang bahagi nito lalo na ang Pinoy Abroad at OFW Station na sadyang nilikha para sa inyo. Muli, ang papuri at pasasalamat ay ibinabalik namin sa inyo mga kababayan naming nagtitiis sa ibang bansa upang mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Patuloy kaming hindi magsasawa na basahin ang inyong kwento - maigsi man o milya-milya ang haba. Kahit ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, nagsusumbong, nais lang magpatawa o kahit wala lang at nagpapalipas lang ng oras. Inaanyayahan din naman ang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na may bahagi sa buhay ng isang OFW na nais magpaabot ng kanilang saloobin sa kanilang minamahal na nakikipagsapalaran sa ibayong-dagat. Hihintayin pa rin namin ang inyong mga email na maaari ninyong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa aming mga kababayan saan mang bahagi ng mundo, saludo kami sa inyo mga Pinoy sa abroad! Mabuhay kayo mga Kapuso!