Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

CARP extension bill ganap ng batas

MANILA – Nilagdaan na ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nitong Biyernes ang batas na magpapalawig ng limang taon sa bisa ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

Ginawa ni Gng Arroyo ang pagpirma sa Republic Act 9700 sa Plaridel, Bulacan dalawang linggo matapos ang kanyang State of the Nation Address kung saan hiniling niya sa Kongreso na ipasa na ang naturang panukalang batas.

Nakapaloob sa batas ang alokasyon ng P100 bilyon na ipambibili ng mga lupaing pang-agraryo na ipamamahagi sa may 1.2 milyong benepisaryong magsasaka.

Kabilang sa mga sumaksi sa pagpirma ni Gng Arroyo ay sina Senate President Juan Ponce Enrile, Speaker Prospero Nograles, Senator Gregorio Honasan, awtor ng bersyon ng panukala sa Senado, mga miyembro ng Gabinete at lokal na opisyal ng Bulacan.

Sa pahayag na nakalagay sa Web site ng Malacanang, sinabing napili ni Gng Arroyo na gawin ang paglagda sa CARP extension law sa Bulacan dahil dito rin pinirmahan ng kanyang amang si dating Pangulong Diosdado Macapagal ang kauna-unahang land reform law - 46 taon na ang nakalilipas.

Ang unang batas para sa repormang agraryo ay pinirmahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1988. Hanggang 10 taon lang ang orihinal na bisa ng batas ngunit pinalawig ito hanggang sa muling mapaso noong nakaraang taon.

Sinerpikahan ng Malacañang na “urgent" ang CARP extension bill kasabay ng matinding kahilingan sa sektor ng mga magsasaka at Simbahang Katoliko na aprubahan ang panukala.

Noong nakaraang linggo, niratipikahan sa Kamara de Representantes ang inaprubahang CARP bicameral bill, habang humabol naman ang Senado nitong Lunes bilang alay sa pumanaw na si Gng Aquino.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Ang CARP law ang isa sa mga pinakamahalagang batas na ipinatupad ng administrasyon ni Aquino. Si Aquino ay pumanaw noong Agosto 1 habang nakaratay sa Makati Medical Center dahil cardiorespiratory arrest.

Noong Marso 2008 natuklasan na mayroon siyang stage 4 colon cancer.

Hamon kay Arroyo

Sa kabila ng paglagda ni Arroyo sa pinalawig na batas ng CARP, sinabi ni Akbayan party-list Rep Ana Theresia Hontiveros na hindi dapat ibigay sa pangulo ang kredito nito.

"This could have been signed more than a year ago had the administration exercised political will in pushing for the passage of the bill," ayon kay Hontiveros, isa sa mga may akda ng bersyon sa Kamara.

Iginiit niya na ang kredito ng pagkakapasa ng batas ay dapat ibigay sa mga magsasaka na nakipaglaban para sa kanilang karapatan.

"If it were not for the perseverance and persistence of the farmers this would not have been approved. The extended and reformed agrarian reform law is the legacy of the farmers to the Filipino people," ayon sa mambabatas.

Hinamon din niya si Gng Arroyo na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain ng mga Arroyo sa Negros upang maipakita nito ang sensiridad sa pagpapatupad ng batas.

"That will be the real barometer of her sincerity. She has to distribute the lands of her own family, and pave the way for the redistribution of more than 1 million hectares of private landholdings," idinagdag niya. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
ADVERTISEMENT
Palace exec to public: Think positive on 2010 polls
2010-03-22 09:53:06
Three days after she raised the possibility of a junta in case of a total failure of elections, a...
Tiger Woods 'nervous' about reception at Masters
2010-03-22 07:56:31
(Updated 10:12 a.m.) Tiger Woods tells ESPN he's a "little nervous" about the...
Pinoy programmers highlight SF Game Developers Convention
2010-03-21 04:27:09
Filipino software developers are "game" and ready to make a splash in the multibillion-dollar...
‘Alice’ still reigns at box office with $34.5M
2010-03-22 00:17:37
LOS ANGELES – Alice remains the queen of the box office. Johnny Depp and Tim Burton's "Alice...