Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Tiktik boys and the National Artist controversy


Airing on August 11, 2009 Tuesday night, after Saksi TIKTIK BOYS Report by Maki Pulido In the poverty-stricken Baseco, Manila, residents do everything to survive. Children as young as nine already face risks as they dive the sea for scrap metals which they sell for a measly income. They’re known in the area as tiktik boys… children who brave all perils just to help put food on the table. NATIONAL ARTISTS CONTROVERSY Report by Mark Salazar The prestigious title of becoming a National Artist is the highest recognition given to those who have made significant contributions to the development of Philippine arts. Leandro Locsin, Ang Kiukok, F. Sionil Jose, Nick Joaquin, Juan Nakpil, and Lino Brocka are just some of our National Artists. This month, a new batch is set to be inducted. But controversies surround this new list. Are there irregularities in the selection process?
TIKTIK BOYS Report ni Maki Pulido Larawan ng kahirapan ang sumasalamin sa Baseco, Maynila. Kanya-kanyang diskarte ang mga tao rito para mabuhay. Maging ang mga bata, napipilitang magbanat ng buto para kumita. Kabilang ang tiktik boys, mga batang sumisisid sa dagat para kumuha ng bakal. Sa kabila ng panganib, patuloy silang sumisisid kahit barya lang ang halaga ng nakukuha nila. Bakit sila hinahayaang gawin ito sa gitna ng banta sa kanilang kamusmusan? KONTROBERSIYA SA NATIONAL ARTISTS Report ni Mark Salazar Itinuturing na prestihiyoso ang mahirang bilang isang National Artist. Tanda ito ng pagkakakilanlan at paggalang sa mga nagawa at kontribusyon ng isang alagad ng sining. Leandro Locsin, Ang Kiukok, F. Sionil Jose, Nick Joaquin, Juan Nakpil at Lino Brocka ay ilan lang sa mga pangalang kinilala at binigyang parangal bilang National Artists. Ngayong buwan, nakatakdang igawad ang parangal sa mga nahirang na bagong National Artists. Pero ang dapat sana’y payapang pagpili, ngayo’y mainit na inuulan ng batikos. Hindi raw kasi nasunod ang proseso sa umano’y pagdagdag ng mga pangalang wala naman sa orihinal na listahan. Ayon sa ilan, iligal ang pagkakaroon ng dagdag-bawas sa listahan. May pagkakamali nga ba sa proseso sa pagpili ng mga nanalo?