Filtered by: Topstories
News
'Maluhong' hapunan sa NY nais paimbestigahan sa Ombudsman
MANILA – Hiniling sa Office of the Ombudsman ng isang mambabatas na imbestigahan ang “maluhong" hapunan ng grupo ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa isang mamahaling restaurant sa New York noong nakaraang linggo na umabot sa $20,000 o halos P1 milyon ang halaga ng kanilang kinain. Sa dalawang pahinang reklamo, iginiit ni Akbayan party-list Rep. Walden Bello na dapat alamin ni Ombudsman Ma. Merceditas Gutierrez ang naturang kontrobersiya dahil sa posibleng paglabag ng mga sangkot na opisyal sa ilang batas tulad ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Revised Penal Code; at Presidential Decree 46 na nagbabawal sa mga kawani at opisyal ng gobyerno na tumanggap ng regalo. Sa laki umano ng halagang ginastos para lamang sa isang hapunan, sinabi ni Bello na may posibilidad na nalabag ang Section 4 ng RA 6713 na nagsasaad na, “public officials shall lead modest lives appropriate to their positions and income" at “they shall not engage in extravagant or ostentatious displays of wealth." "In no way can such a level of expenditure be characterized as 'modest'," ayon sa kongresista. Sa Malacanang, nanindigan si Executive Secretary Eduardo Ermita na walang masama sa ginawang hapunan ng delegado ni Gng Arroyo sa US. "We are confident there is nothing wrong that has been done and the position taken has been expressed and therefore it’s for anybody to pursue what they want to pursue and let the subject matter laid to rest," pahayag ni Ermita sa mga mamamahayag. Bagaman idinepensa ni Press Secretary Cerge Remonde na hindi pera ng gobyerno ang ibinayad sa hapunan dahil ang sumagot nito ay si Leyte Rep. Martin Romualdez, sinabi ni Bello na pasok ang kontrobersiya sa paglabag sa PD 46 at Article 211 ng Revised Penal Code para sa “indirect bribery."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ng kongresista na maituturing regalo ang ginawang pagsagot ni Romualdez sa gastusin sa hapunan at tinanggap naman ni Gng Arroyo na ipinagbabawal pa rin sa batas. "At any rate, the concerned officials should be made to explain why such an extravagant expense was incurred in the first place, who the public officials present were, and where the funds used came from," paliwanag ng kinatawan ng Akbayan. Ang kontrobersiyal na hapunan sa sikat na Le Cirque restaurant ay unang nalathala sa pahayagang The New York Post. Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez, kabilang sa grupo na naghapunan sa Le Cirque, hindi siya sigurado kung si Rep Romualdez o ang kapatid nitong arkitekto sa NY na si Daniel ang sumagot sa bayarin sa restaurant kung saan ginanap ang ika-41st wedding anniversary nina Pangulong Arroyo at First Gentleman Jose Miguel Arroyo. Nanatiling tahimik si Rep. Romualdez sa naturang kontrobersiya, bagaman kinumpirma ng kanyang tagapagsalita na si Jun Pisco ang naging pahayag ni Remonde. Sa pinakahuling talaan ng isinumiteng Statement of Assets and Libilities ang Networth (SALN) ng mga kongresista, lumitaw na pangalawang pinakamayaman si Romualdez na may net worth na P477.2 milyon. Pinakamayaman naman ang asawa ni Sen Manny Villar na si Las Pinas Rep. Cynthia Villar, na nagdeklara ng P1.046 bilyong ari-arian. Natabunan Sa halip na mag-aksaya ng panahon sa maluhong hapunan, inihayag naman ni Speaker Prospero Nograles Jr. na mas nararapat na pag-usapan ang bunga ng ginawang pagbisita ni Gng Arroyo sa US. “This won’t take the grains achieved by our visit to Washington and the fruitful dialogues we conducted with our American counterparts. Let’s put this issue to rest," mungkahi ng lider. Idinagdag niya na dapat hayaan na rin umano ang Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon sa naturang hapunan ngayon naisampa na ang reklamo. “Well that’s their prerogative. Now that they have filed it then its time to end the issue and let the Ombudsman decide. I suggest lets stop talking about it and move on," ayon kay Nograles. Sa isang media forum sa Quzon City, inihayag naman ni Reggie Velasco, deputy secretary general of Lakas-Kampi-CMD, na dapat maging patas ang mga batikos sa luho ng mga opisyal ng gobyerno. “I know of a high-ranking official who spends P50,000 for a bottle of wine," ayon kay Velasco na tumangging tukuyin kung sino ang naturang opisyal. “If you have a standard for government officials, you have to apply it to all. You have to be fair. It should apply to all. I don’t think you have to bring a head of state to Burger King. It is not appropriate for her stature," paggiit niya. - GMANews.TV

Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics
More Videos
Most Popular