Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Mga botika sa bansa tumalima sa utos na ibaba ang presyo ng ilang piling gamot

MANILA – Inihayag ng Department of Health nitong Sabado na tumalima ang halos lahat ng botika sa buong bansa kaugnay sa ipinalabas na kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na bawasan ng kahati ang presyo ng limang importanteng gamot.

Sa panayam ng GMANews.TV, sinabi ni Dr. Robert Louie So, program manager ng pharmaceutical management unit ng DOH, na umabot sa 80 hanggang 90 porsiyento ang compliance rate ng mga botika sa bansa.

"We have no complete (report) as of the moment, but it's safe to place the rate at about 80 to 90 percent. So far, fewer violations have been reported compared to compliance," pahayag ni So.

Sinabi nito na naging mataas ang compliance rate dahil sa pagtalima ng dalawa sa pinakamalaking drug store chains sa bansa – ang Mercury Drug Store at Watson's Drug Store.

"These two drug store chains already have about a thousand outlets nationwide. Since they complied, we can say mataas talaga ang compliance rate," idinagdag ng opisyal.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Batay sa ipinadalang ulat ng DOH office mula sa Visayas region, sinabi ni So na lima sa bawat anim na botika sa rehiyon ang sumunod sa direktiba ng Malacanang.

Sumunod din umano sa kautusan ang lahat ng 90 drug store outlet sa Mindanao.

Sinabi ni So na sisikapin ng DOH na mapanatili ang mataas na compliance rate sa pagkaltas sa presyo ng mga importanteng gamot batay na rin sa ipinasang batas ng Cheaper Medicine Act.

"We are very glad that many of the big drug stores complied. We want to maintain a high level of compliance. This effort should not be limited to today or the next few months," ayon sa opisyal.

Alinsunod sa Executive Order 821 na nilagdaan ni Gng Arroyo noong nakaraang buwan, iniutos nito na ibaba ang presyo ng gamot na anti-hypertensive na Amlodipine; anti-cholesterol na Atorvastatin; anti-infection na Azithromycin, at anti-cancer drugs na Cytarabine at Doxorubicin.

May 16 pang gamot na dapat isasama sa EO ngunit nagdesisyon ang mga kumpanya ng gamot na kusa na lamang nilang babawasan ang halaga ng mga ito. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
Shell pinayuhang ayusin ang ‘utang’ na P7B kaysa manakot
01/26/2010 | 11:59 PM
MANILA – Sa halip na sindakin ang gobyerno, pinayuhan ng ilang mambabatas ang pamunuan ng Pilipinas Shell na humanap ng paraan kung papaano babayaran ang P7.3 bilyong utang umano nito sa buwis. More
Sesyon ng Senado nilayasan ni Sen Santiago
01/26/2010 | 09:21 PM
MANILA – Galit na nilayasan ni Senador Miriam Defensor Santiago ang sesyon ng Senado nitong Martes matapos magtalumpati upang ilabas ang galit kay Senate President Juan Ponce Enrile. More
ADVERTISEMENT
Gordon, Bayani vow no star-studded campaign
2010-02-09 12:59:11
Veering from traditional political campaign rallies, the "transformers" tandem of presidential...
Britain foils RP aces in World Team pool finale
2010-02-08 13:18:42
Great Britain frustrated the Philippines’ bid to win the first World Team Championship, posting a...
Michael Jackson's doctor pleads not guilty
2010-02-09 07:39:48
Michael Jackson's personal physician pleaded not guilty to involuntary manslaughter Monday,...
‘Slain’ JI leader Dulmatin still alive - Marine chief
2010-02-09 16:13:22
Dulmatin, a senior leader of the terrorist group Jemaah Islamiyah who the military claimed to...