Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

7 patay sa sagupaan ng AFP at MNLF sa Palawan

Pitong lalaki na pinapaniwalaang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang napatay matapos salakayin ng tropa ng pamahalaan nitong Miyerkules ang isang isla sa Palawan na inukopa ng grupo noong Sabado.

Ayon kay Lt. Col. Yuri Pesigan, commanding officer ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8, isang sniper ng Philippine Marine ang nasugatan sa naganap na labanan.

Sinabi ni Pesigan na tinatayang 30 hanggang 40 ang kasama sa grupo ng MNLF na nang-hostage ng pitong tao at umukupa sa Mantangule Island sa Palawan noong Sabado.

"Mayroon din ‘yung eskwelahan, dun dinala 'yung mga dating mga kanilang hinostage na mga native. Pero before na nagkameron kami ng assault, pinawalan na nila yung mga hostage," pahayag ni Pesigan.

Hindi umano malinaw kung nagkaroon ng bayaran para pakawalan ang mga bihag pero may impormasyon umano na nanghingi ng pera sa mga lokal na residente ang mga rebelde.

"Yung nakuha naming information nag-extortion sila dun sa mga residents dun sa isla," ayon sa opisyal ng militar.

Sinabi ni Perigan na napilitan silang salakayin ang mga rebelde nang hindi nila tuparin ang kanilang pangako na lilisanin ang isla noong Martes ng gabi.

Tatlong barko na kinalulunanan ng mga tauhan ng MBLT 8, Navy SEALS at mga pulis ng Palawan ang sumugod sa nabanggit na isla.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Sinabi ni Lt. Col. Edgard Arevalo, tagapagsalita ng Philippine Navy, na sinakop ng mga rebelde ang isla nang pumalag ang lider ng grupo na si Abdullah Abdurajak sa tatlong kaso ng illegal possession of firearms na isinampa sa kanya.

"Bilang paraan [na ipakita] na hindi siya sasama at papahuli, inipon niya ang mga tauhan niya at in-occupy ang lugar na ito," pahayag ni Arevalo sa QTV news’ Balitanghali.

"This is a clear criminal and terroristic act," idinagdag ng opisyal.

Matapos ang putukan, pitong bangkay ang nakuha ng mga awtoridad at inaalam pa kung kasama sa mga nasawi si Abdurajak.

Nakatakas naman umano ang iba pang rebelde matapos humalo sa mga sibilyan, ayon Perigan.

Una rito, sinabi ni Press Secretary Cerge Remonde na handa si dating MNLF chairman Nur Misuari na tumulong para sa mapayapang paglutas ng krisis sa Palawan.

"The Armed Forces and MNLF chairman Misuari himself has volunteered to help solved this problem which is a good sign that the MNLF chairman does not condone these activities but so far this has already been contained by the military in that area," ayon sa kalihim.

Kasama si Misuari sa nagtatag ng MNLF noong dekada 70s upang ipaglaban ang karapatan ng mga kapatid na Muslim. Taong 1996 nang lumagda si Misuari sa peace deal sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Nakapaloob sa kasunduan ang pagtatatag ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kung saan tumakbong kandidato si Misuari at nanalong gobernador.

Ngunit pinatalsik ng tinatawag ng Council of 15 ng MNLF si Misuari bilang pinuno ng samahan noong 2001. Inakusahan ang dating lider ng MNLF na nagpabaya sa kanyang tungkulin bilang lider ng ARMM. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Dagdag na tropa ng pamahalaan sa Davao City hiniling sa Comelec
03/17/2010 | 12:10 AM
MANILA – Hiniling ni Speaker Prospero Nograles sa Commission on Elections na dagdagan ang puwersa ng militar at pulisya sa mga lugar sa Davao City kung saan aktibo ang mga rebeldeng komunista. More
Pondo ng gobyerno vs El Nino ‘di nararamdaman – Mitra
03/16/2010 | 11:44 PM
MANILA – Hiniling ni Nacionalista Party senatorial bet Ramon Mitra IV sa Department of Agriculture (DA) na gamitin na ang pondo ng pamahalaan upang tulungan ang mga magsasaka at mangingisda na... More
Unahin ang mga problema ng bansa bago paghihiganti – Arroyo allies
03/16/2010 | 09:07 PM
MANILA – Dismayado ang mga kaalyado ng administrasyon sa pahayag ni presidential candidate Sen Benigno “Noynoy" Aquino III na bubuo ito ng lupon na magsisiyasat sa mga alegasyon ng katiwalian ni... More
Magkapatid na paslit nasawi sa sunog sa Pangasinan
03/16/2010 | 06:14 PM
Patay ang magkapatid na paslit nang matupok ang kanilang bahay tanghali nitong Martes sa Barangay Bari sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan. More
5 bata patay sa tigdas - DOH
03/16/2010 | 04:20 PM
MANILA – Lima na ang kumpirmadong nasawi sa sakit ng tigdas, kabilang ang tatlong walong-buwang-gulang ng mga lalaki, batay sa impormasyong nagmula sa Department of Health (DOH). More
Suspek sa paghalay at pagpatay sa 16-anyos na babae nadakip
03/16/2010 | 03:55 PM
BUTUAN CITY — Hawak na ng pulisya sa Cabadbaran, Agusan del Norte ang pangunahing suspek sa hinihinalang kaso ng gang rape at pagpatay sa isang dalagita na naganap noong nakaraang linggo. More
Botante pinaalalahanan ni Rosales vs magastos na kandidato
03/13/2010 | 08:58 PM
MANILA – Pinangunahan ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales nitong Sabado ang 16 na lider ng Simbahang Katoliko sa Metro Manila sa pagbibigay ng paalala sa mga botante na maging maingat... More
3 OFWs sasabak sa halalan sa Mayo
03/13/2010 | 03:10 PM
RIYADH – Tatlong overseas Filipino workers ang nakatakdang umuwi ng Pilipinas sa susunod na linggo hindi para magbakasyon kung hindi para sumabak sa kampanya bilang kandidato sa darating na halalan... More
Banat ng pinsan ayaw patulan ni Gibo
03/13/2010 | 12:23 AM
MANILA – Binalewala ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro Jr. ang patutsada ng kanyang pinsan na wala siyang utang na loob sa ginawang pagpapalaki ng kanyang tiyuhin na... More
ADVERTISEMENT
Thai protesters pour own blood outside govt HQ
2010-03-16 23:29:30
BANGKOK – Thai protesters poured several jugs of their own blood at the front gate of the...
NBA Wrap: LeBron scores 30 as Cavs down Celtics
2010-03-15 14:48:32
CLEVELAND — LeBron James scored 30 points, including 24 in the second half, as Cleveland...
Facebook opens office in India, first in Asia
2010-03-15 18:53:53
MUMBAI, India — Social networking site Facebook is opening an operations office in India, its...
Butuan fire razes two barangays; one dead, 900 homeless
2010-03-16 21:59:06
BUTUAN CITY - Barely a week after a conflagration razed 100 houses in Barangay New...