Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Mga 'di magbababa sa presyo ng gamot dapat daw parusahan

MANILA – Iginiit ng ilang kongresista na dapat ipakita ng pamahalaan na seryoso ito sa kampanya na ibaba ang presyo ng mga gamot sa pamamagitan ng pagpataw ng parusa sa mga botika at kumpanya na mapatutunayang hindi tatalima sa itinatakda ng Republic Act No. 9502, known as the Universally Accessible Cheaper and Quality Medicines Act of 2008.

Sa magkakahiwalay na panayam, nagkakaisa sina Reps. Jose Antonio Roxas (Pasay), Ferjenel Biron (Iloilo) at Janette Garin (Iloilo), sa pananaw na kailangang ipakita ng pamahalaan na mananagot sa batas ang mga hindi magbababa sa presyo ng mga gamot na nakapaloob sa itinakdang maximum drug retail price (MDRP), alinsunod Executive Order (EO) No. 821.

“Alam mo naman dito, kung makakalusot, lulusot. But eventually they will comply or they will face sanctions which include revocation of their licenses when caught," ayon kay Roxas.

Nanawagan ang mga kongresista sa publiko at media na tumulong sa pamahalaan sa pagmonitor ng mga botika, kumpanya ng gumagawa ng gamot at mga ospital na hindi ipinapatupad ang nakasaad sa batas.

Nilinaw naman ni Biron na hindi pa makakamit sa ngayon ang 100% compliance rating sa MDRP dahil na rin sa ibinigay na palugid ng Department of Health (DoH) sa mga maliliit na botika hanggang sa Setyembre 15.

“We couldn’t expect 100% compliance at the moment because small drugstores are given until September 15 to completely comply. Penalty includes fines of establishment," ayon sa mambabatas.

Sinabi naman ni Garin na mayroong sapat na kapangyarihan ang Bureau of Food and Drugs (BFAD) upang parusahan ang mga magpapalusot na establisimyento.

“Precisely the reason that BFAD was strengthened with accompanying budget was to see to it that law is fully implemented. They have all the powers to hand down sanctions on violators," pahayag ni Garin.

Kabilang sa mga gamot na sakop ng EO 821 ay mga anti-hypertensive drugs na amlodipine, anti-cholesterol drug na atorvastatin, antibiotic/antibacterial drug na azithromycin, at antineoplastics/anticancer drugs na cytarabine at doxorubicin.

Nagboluntaryo naman ang kumpanya ng gamot na ibaba ang presyo ng kanilang mga produkto na telmisartan at irbesartan na antihypertensive drugs; ang anti-thrombotic drug na clopidogrel; ang anti-diabetic drug na gliclazide; at antibiotic drugs na piperacillin + tazobactam, ciprofloxacin, metronidazole at coamoxiclave.

Kasama rin sa dapat ibaba ang presyo ay ang Bleomycin, carboplatin, cisplatin, cyclophosphamide, etoposide, mercaptopurine, methotrexate sodium at mesna na pawang anticancer drugs. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Mga kandidato umarangkada sa unang araw ng kampanya
02/09/2010 | 11:20 PM
MANILA – Kanya-kanyang gimik, pagpapapogi at paninira sa kalaban ang bumungad sa unang araw ng kampanya nitong Martes para sa mga kandidato sa pambansang posisyon sa darating na halalan sa Mayo. More
Pagdakip sa 43 health workers sisiyasatin ng Senado
02/09/2010 | 09:28 PM
MANILA – Kahit nakabakasyon ang Kongreso, naghain ng resolusyon si Sen. Pia Cayetano sa kapulungan para imbestigahan ang pag-aresto sa 43 health workers sa Morong, Rizal na pinaghihinalaang... More
Pagdanganan pinayagan ng umupo bilang gobernador ng Bulacan
02/09/2010 | 08:44 PM
MANILA – Opisyal ng manunungkulan bilang gobernador ng Bulacan si dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan matapos ibasura ng Commission on Elections (Comelec) ang apela ng pinatalsik... More
Feb 16, 2010: Huling araw ng aplikasyon ng WWII vets para sa US benefits
02/09/2010 | 06:34 PM
MANILA – May isang linggo pa para makapagsumite ng aplikasyon ang mga Pilipinong beterano ng World War II upang makatanggap ng mga benepisyong ipinagkakaloob ng mga Amerika. More
Comelec bigong mag-report sa Kongreso tungkol sa automated polls
02/09/2010 | 05:54 PM
MANILA – Nagpahayag ng pagkabahala nitong Martes si Speaker Prospero Nograles Jr kaugnay sa kabiguan ng Commission on Elections (Comelec) na magsumite sa Kongreso ng ulat tungkol sa kalagayan ng... More
Isiniwalat ni Enrile na panunuhol ni Villar pinagdududahan
01/27/2010 | 09:52 PM
MANILA – ‘Dapat pa bang paniwalaan ang tao na minsan ng umamin na pineke niya ang sariling ambush noong panahon ng martial law? More
Pinay sa Saudi nagpamalas ng kabayanihan sa pagtulong sa kababayan
01/27/2010 | 05:21 PM
JEDDAH, Saudi Arabia – Isang Pinay ang nagpakita ng kabayanihan nang tulungan ang isang kababayan domestic hleper na minaltrato ng kanyang amo sa loob mismo ng paliparan sa Dammam. More
Lalaki kulong matapos humirit ng sex kapalit ng naked pics ng ex-gf
01/27/2010 | 04:25 PM
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – Sa halip na malambot na kama, matigas na rehas ang hinihimas ngayon ng isang 38-anyos na nursing student matapos ipakulong ng kanyang dating kasintahan. More
ADVERTISEMENT
38 nadakpan sa pagbayolar sang common poster rule
2010-02-09 15:53:03
Mag-abut 38 ang mga nadakpan sa pagbayolar sang Fair Elections Act sa pag-umpisa Martes sang...
Ohio strip club hosts 'Lap dances for Haiti'
2010-02-09 09:52:11
TOLEDO, Ohio – A strip club in Ohio has raised $1,000 for Haitian earthquake relief during what...
US stocks jump on hopes for Greece debt rescue
2010-02-10 07:31:45
The Dow Jones industrial average jumped back above 10,000 on hope that a resolution was near for...