2 patay, 2 pa sugatan sa pagtaob ng bangka sa lawa ng Laguna
09/08/2009 | 10:36 PM
Nauwi sa trahedya ang masaya sanang pangingisda ng isang grupo ng construction workers nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Laguna de Bay nitong Lunes ng hapon.
Sa ulat ng dzBB radio nitong Martes, sinabing hinampas ng malalaking alon ang bangka na sinasakyan ng grupo na plano sanang mangisda sa lawa sa kabila ng malakas na ulan.
Sa pagtaob ng bangka, nalunod sina Edgardo Necesario, 23, at Rolando Cabatay, 17, kapwa residente ng Brgy Kaingin, Sta. Rosa City, Laguna. Sugatan naman sina Ronel Getape at isang nagngangalang Hapon.
Sa paunang imbestigasyon, sinasabing malakas na ang buhos ng ulan nang magpasya ang grupo na sumakay ng bangka para mamasyal at mangisda sa lawa dakong 4 p.m. nitong Lunes. - GMANews.TV