Aquino hinakayat ng obispo na magpalit ng desisyon sa RH bill
09/19/2009 | 09:22 PM
MANILA – Nanganganib na hindi makakuha ng suporta sa Simbahang Katoliko si Sen Benigno "Noynoy" Aquino III kung patuloy umano nitong kikilingan ang pagpasa ng kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.
Ilang lider ng simbahan ang nanawagan sa nag-iisang anak na lalaki ng pumanaw na dating pangulong Corazon Aquino na irekonsidera nito ang posisyon sa panukala na nakatakdang aprubahan sa Kongreso.
“He might able to get the support of the bishops if he will oppose the passage of the RH bill," pahayag ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Collin Bagaforo sa artikulong lumabas sa website ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP).
Sinabi naman ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Family and Life Commission ng CBCP, kailangan linawin at buksan ni Sen Aquino ang isipan tungkol sa RH bill.
Nangangamba umano si Castro sa kasalukyang paninindigan ng senador sa nabanggit na usapin.
“Like other candidates, he really has to explicitly state his stand about these values and issues and we will encourage voters to vote based on their positions," pahayag nito.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
Kilala ang simbahang Katoliko na solidong tagasuporta ng pumanaw na dating pangulo.
Una rito, sinabi ni Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal na pinag-aaralan na niya kung isasama ang pangalan ni Aquino sa mga pulitikong hindi dapat iboto dahil sa pagmamatigas nito na suportahan ang RH bill.
Inamin ni Vidal na nadismaya siya nang malaman na isa si Aquino sa masugid na tagasuporta ng panukala bilang kasapi ng Philippine legislators Committee on Population and Development, ang grupong nagsusulong sa population control.
Inihayag naman ni Castro na posibleng magsagawa ng solidong boto ang mga tagasuporta ng simbahan para matiyak na hindi mananalo ang mga tinatawag nilang “anti-life" politicians.
Kabilang sa probisyon ng RH bill ang pagpapahintulot na gumami ng contraceptives sa pagpaplano ng pamilya na mariing tinututulan ng simbahan. - GMANews.TV