Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Villar, ‘Gibo’ nakapuntos kay ‘Ondoy’ - Rep Marcos

MANILA – Kung bilis sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyong “Ondoy" ang pagbabatayan, naniniwala si Ilocos Norte Rep. Ferdinand “Bongbong" Marcos Jr., na nakahigit sina Sen Manny Villar at Defense Sec. Gilbert “Gibo" Teodoro kaysa ibang "presidentiables."

Sa panayam ng media nitong Huwebes, sinabi ni Marcos na “pogi points" para kina Villar, pambato ng Nacionalista Party (NP), at Teodoro, manok ng administrasyong Lakas-Kampi-CMD, ang mabilis nilang pagkilos para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“Manny’s quick response to typhoon victims was laudable," ayon kay Marcos na malaking bagay umano sa mga mamamayan ang maagang pagtulong ng senador sa mga nalubog sa malalim na baha.

Umarkila pa si Villar ng helicopter upang marating at maibigay ang mga relief goods sa mga lugar na hindi pa nadadaanan ng sasakyan dahil sa baha.

“Gibo was practically everywhere, you see him on TV and hear him over the radio when Metro Manila was submerged in flood water. I think he took advantage of the situation to boost his upcoming candidacy," idinagdag ni Marcos.

Bukod kina Villar at Teodoro, ilan pa sa mga itinuturing “presidentiables" ay sina Sen Benigno “Noynoy" Aquino III, ng Liberal Party; dating Pangulong Joseph Estrada ng United Opposition; at Sens Francis Escudero at Loren Legarda ng Nationalist Peoples Coalition.

Iminungkahi rin ni Marcos na sa mga “presidentiables" na mag-ugnayan at magkaroon ng koordinasyon para sa mas epektibong pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Bugbog ang Marikina

Kahit kinikilalang “shoe capital" ng Pilipinas ang Marikina, sinabi ni Rep. Marcelino Teodoro na marami sa kanyang mga kababayan ang nakatapak ngayon dahil sa pinsalang idinulot ni “Ondoy."

“I even borrowed a pair of shoes from a friend to have one for me and respond to the needs of my constituents. We need all kinds of donations," kwento ni Teodoro sa isang media forum sa Quezon City nitong Huwebes.

Sinabi ng kongresista na maging ang kanyang bahay ay hindi nakaligtas sa baha na idinulot ng bagyo.

Marami rin umanong mahuhuli kung ipatutupad ang ordinansa sa lungsod laban sa mga taong nakahubad dahil sa pagkawala ng mga damit at mga ari-arian dahil sa mga nawasak at binahang.

“Kawawa ang mga tao, pati damit walang pang-itaas dahil sa bagyo. Bawal nga actually," ayon kay Teodoro na patuloy na nanawagan ng tulong para sa kanyang mga kababayan. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
Tuition freeze iginiit dahil sa El Nino
03/20/2010 | 10:06 PM
MANILA – Bunga ng pinsalang idinulot ng matinding init o El Nino phenomenon lalo na sa mga lalawigan, nanawagan ang isang senatorial candidate na huwag payagan ng pamahalaan ang anumang tuition... More
Gibo pabor sa military cooperation maging sa ibang bansa
03/20/2010 | 04:53 PM
Inihayag ni administration presidential candidate Gilberto “Gibo" Teodoro na isusulong niya na magkaroon ng military cooperation maging sa ibang bansa katulad ng ipinatutupad na Visiting Forces... More
Dayuhan bawal pa ring magpapako sa krus sa ‘Cutud’
03/20/2010 | 03:06 PM
Dahil sa mga nagdaang kontrobersiya na kinasangkutan ng mga dayuhang nagpapako sa krus sa mga dinarayong senakulo, nagdesisyon ang mga opisyal ng barangay ng San Pedro Cutud sa San Fernando,... More
OFW gives birth on plane; baby gets unique name
03/19/2010 | 11:31 PM
Isang overseas Filipino workers mula sa Dubai ang nagsilang ng kanyang sanggol sa loob ng eroplano habang nasa himpapawid. Pinangalanan ang sanggol na SQ – na hango sa eroplano na sinakyan nilang... More
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
ADVERTISEMENT
Afternoon rains provide Metro residents respite from heat
2010-03-21 16:40:33
Residents in Metro Manila and several environs got a respite from the summer heat as rains fell...
Pinoy programmers highlight SF Game Developers Convention
2010-03-21 04:27:09
Filipino software developers are "game" and ready to make a splash in the multibillion-dollar...
Finding out who Tarlac’s presidential favorite is—in five easy steps
2010-03-21 03:08:25
CONCEPCION, Tarlac—Tarlaquenos of this almost-urbanized town are divided on whom to vote in the...
Lawmaker wants cockfighting part of RP heritage
2010-03-21 16:17:55
Cockfighting may soon be officially part of the country’s national cultural heritage, if a...