Mobile Alerts  Newsletter  Archives  About Us  Advertise with Us Twitter GMANews.TV Facebook GMANews.TV RSS GMANews.TV
Pinoy Abroad

Mas matagal na state of calamity tinutulan

MANILA – Tutol ang isang senador at sektor ng negosyo na patagalin ang pinaiiral na State of Calamity sa Pilipinas bunga ng pinsalang idinulot ng bagyong “Ondoy."

Ayon kay Senador Manny Villar, may mga nag-aalala na posibleng abusuhin ng pamahalaan ang idineklarang state of calamity at tuluyang mauwi sa deklarasyon ng state of emergency.

Iginiit ng mambabatas na hindi na kakailanganin ng pamahalaan ang matagal na deklarasyon ng state of calamity para maibangon ang mga lugar na matinding sinalanta ng bagyo.

“Kailangan suriing mabuti ang plano ng Palasyo na palawigin ang deklarasyon ng state of calamity sa loob ng isang taon o higit pa. Nakakabangon na ang ilang lugar nang mabilis kaysa sa iba. Kailangan may balanse at nagkakaisang pananaw," pahayag ni Villar.

Ang deklarasyon ng state of calamity ang isa sa mga batayan ng pamahalaan upang magpatupad ng price control sa ilang pangunahing bilihin kasama na ang lubricant at mga construction material.

Maging si Edgardo Lacson, presidente ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ay tutol na patagalin ng isang taon ang state of calamity na magkakaroon umano ng masamang epekto sa sektor ng pagnenegosyo.

Nagbabala siya na kung patuloy na kokontrolin ang presyo ng mga produkto sa matagal na panahon, posible itong maging dahilan ng pagkalugi na mauuwi sa pagsasara ng kumpanya o pagbabawas ng mga trabahador.

Naniniwala si Lacson na sapat na ang 60-araw na ipatupad ang pagkontrol sa presyo ng ilang bilihin alinsunod sa itinatakda ng batas.

Sa pagtaya ni Lacson, posible umanong umabot sa P1 bilyon ang pinsala sa negosyo na iniwan ni “Ondoy" na lubhang nagdulot ng baha sa maraming lugar sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

"Caloocan, Navotas and Marikina [firms that make and trade] pulp and paper products, flour, hospital supplies and equipment and shoes suffered losses amounting to almost a billion pesos," ayon sa president eng PCCI.

Sinuportahan ni Villar ang pananaw ng sektor ng pagnenegosyo kabilang ang PCCI, Makati Business Club, Employers Confederation of the Philippines, at Federation of Philippine Industries.

“Nauunawaan natin na may pangangailangan na bigyang prayoridad ang biktima ng pagbaha ngunit kailangan din natin tingnan ang magiging epekto nito sa ibang sektor katulad sa pagnenegosyo," paliwanag niya.

Mas makabubuti umanong maglatag ang pamahalaan ng programa upang bumalik kaagad sa normal ang sitwasyon sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

Idinagdag niya na kailangan maglagay ang pamahalaan ng mahusay na programa na tutulong din sa mga mangingisda at magsasaka na naapektuhan din ng bagyong “Pepeng" na sumalanta sa sektor ng agrikultura sa hilagang Luzon. - GMANews.TV
Other Balitang Pinoy stories
6 na kandidatong pangulo posibleng idiskuwalipika ng Comelec
03/19/2010 | 07:23 PM
MANILA – Posibleng tatlong kandidato na lang sa panguluhan ang pagpilian ng mga botante pagsapit ng halalan sa Mayo 10 kapag natuloy ang babala ng Commission ng Elections laban sa anim na iba... More
Senatoriable ni Gibo saksi sa pagwawala ng dayuhan sa loob ng eroplano
03/19/2010 | 05:57 PM
MANILA – Nalagay sa peligro ang buhay ng mahigit 100 pasahero ng Philippine Airlines (PAL) Airbus A320 na biyaheng Cebu – kabilang ang isang kandidatong senador - nang magwala ang isang dayuhang... More
May rason bakit ‘di sumasama sa kampanya si Korina - Roxas
03/19/2010 | 04:11 PM
MANILA – Hindi umano nais ni vice presidential bet Sen Manuel Roxas II na makaladkad sa “partisan activities" ang maybahay niyang si Korina Sanchez kaya hindi ito sumasama sa kampanya ng Liberal... More
OFW group handang tumulong sa OAV sa Saudi
03/19/2010 | 12:30 AM
JEDDAH, Saudi Arabia – Nag-alok ng tulong sa konsulada ng Pilipinas sa nabanggit na bansa ang isang grupo ng mga overseas Filipino workers kaugnay sa isasagawang Overseas Absentee Voting na... More
Pondo sa condom gamitin na lang daw sa ibang pangangailangan sa kalusugan
03/18/2010 | 06:09 PM
MANILA – Sa halip na condom, dapat unahin umano ng Department of Health ang pagbili ng mga gamit para sa mga pampublikong pagamutan at health center lalo na sa mga lalawigan. More
Edu Manzano ‘di nakasipot sa panayam ni Mike Enriquez
03/18/2010 | 05:41 PM
MANILA – Sa kabila ng garantiya ni Edu Manzano na hindi aatras sa kanyang kandidatura, nabigo naman itong humarap sa programa ni Mike Enriquez sa dzBB radio kung saan isinasalang ang mga... More
Kongresistang hinatulang makulong umapela sa Sandiganbayan
03/17/2010 | 09:45 PM
MANILA – Naghain ng apela sa Sandiganbayan Third Division si Sorsogon Rep. Jose Solis na baligtarin ang naunang hatol sa kanya na makulong ng matapos akusahang nagkasala sa kasong katiwalian at... More
Pasaporte ni Lacson pinapakansela
03/17/2010 | 08:35 PM
MANILA – Hiniling sa korte nitong Miyerkules ng mga anak ng pinaslang na publicist na si Salvador “Bubby" Dacer na kanselahin ang pasaporte ni Senador Panfilo Lacson na pangunahing suspek sa... More
Pasya ng SC sa pagpili ng chief justice dapat igalang – Villar
03/17/2010 | 05:37 PM
MANILA – Tutol man sa naging desisyon, sinabi ni Nacionalista Party presidential bet Sen Manny Villar na kailangang igalang ang pasya ng mga mahistrado na nagbibigay kapangyarihan kay Pangulong... More
ADVERTISEMENT
Oil drifts below $82 as month-long rally stalls
2010-03-19 13:19:30
SINGAPORE — Oil prices drifted below $82 a barrel Friday in Asia, pulling back from a monthlong...
Pakistan arrests halt UN contacts with Taliban
2010-03-19 12:01:33
KABUL — Pakistan's recent arrests of top Taliban leaders have halted the United Nation's...
Iowa sends 8 wrestlers to quarterfinals
2010-03-19 16:21:04
OMAHA, Neb. — Iowa started a methodical march toward a third straight national title at...
El Niño a double-edged sword for Negros prawn farmers
2010-03-18 14:01:53
El Niño is a double-edged sword. Or at least that’s how prawn farmers in Negros Occidental...